Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangunguna ng Pilipinas sa ocean pollution,nakakahiyang katotohanan-Cardinal David

SHARE THE TRUTH

 7,396 total views

Itinuring na nakakahiyang katotohanan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa buong mundo sa pagtatapon ng basura sa karagatan, isang krisis na dapat harapin at ayusin ng bawat mamamayan.

“The Philippines—our beloved archipelago of 7,641 islands—is ranked Number 1 in the world in contributing trash to the ocean. Not number one in reading, science, or mathematics. Not number one in good governance or environmental stewardship. But number one in polluting the very seas that give us life,” pahayag ni Cardinal David.

Ayon kay Cardinal David, higit dalawampung taon nang naipasa ang Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act of 2003, subalit hindi ito ganap na naisakatuparan dahil sa kakulangan ng disiplina sa paghihiwalay ng basura at maling pamamalakad ng ilang lokal na pamahalaan.

Dagdag ng kardinal, ang mga sanitary landfill ay nagiging puno ng dumi at humahantong sa polusyon ng dagat, pagkalason ng isda, pagkasira ng kabuhayan ng mangingisda, at panganib sa seguridad ng pagkain.

“The sea that once fed our people is now choking with plastic washed down through our canals, creeks, and rivers by torrential rains into the ocean. We did this—to ourselves, to our neighbors, to our children,” giit ni Cardinal David.

Binigyang-diin ni Cardinal David na ang kalagayang ito ay kasalanan laban sa kalikasan, sa mahihirap na unang naaapektuhan at sa susunod na henerasyon.

Hinikayat ng kardinal ang publiko na magsimula sa sariling tahanan sa paghihiwalay ng basura, suportahan ang recycling at composting, at ipanawagan sa lokal na pamahalaan ang mas maayos na pamamahala ng basura.

“Start treating our country as the fragile, beautiful, irreplaceable archipelago that God entrusted to our care,” saad ni Cardinal David.

Batay sa 2023 Plastic Polluters study ng Utility Bidder, ang Pilipinas ang nangunguna sa pagtatapon ng plastic sa dagat, na umaabot sa tinatayang 3.30 kilograms kada tao bawat taon at higit 350,000 tonelada taun-taon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DESTABILIZATION

 202,655 total views

 202,655 total views Kapanalig, hindi dapat ipinagsasawalang bahala ang “destabilization plots”., ito ay paanyaya ng violence, pangpahina ng pamahalaan., pananabotahe sa gobyerno., pagkompromiso sa social fabric

Read More »

POWER OF PURSE

 267,785 total views

 267,785 total views Kapanalig, taon-taon…tayo ay nagpapakahirap sa pagta-trabaho, obligado tayong nagbabayad ng buwis., umaasang gagamitin ng pamahalaan sa tama ang ating pinaghirapang pera. Pinapaniwala tayo

Read More »

Huwag kalimutan ang mga EJK victims

 228,405 total views

 228,405 total views Mga Kapanalig, habang nakatuon ang atensyon ng publiko sa nagpapatuloy na kontrobersya sa mga flood control projects, huwag sana nating kalimutan ang mga

Read More »

Taun-taong pagsubok sa agrikultura

 288,900 total views

 288,900 total views Mga Kapanalig, maraming sakahan ang nalunod at nasira dahil sa pagbahang dulot ng Super Typhoon Uwan, at labis na naapektuhan ang ani ng

Read More »

Victim-blaming sa gitna ng delubyo

 308,852 total views

 308,852 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, sa kasagsagan ng pananalanta ng Super Typhoon Uwan, nag-viral sa social media si Pangasinan Second District representative Mark

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Pagiging GMO free, panawagan ng Negros Bishops

 26,420 total views

 26,420 total views Nanawagan ang mga obispo ng Negros Occidental na panatilihin ang 18-taong pagbabawal sa genetically modified organisms (GMOs) sa lalawigan upang mapangalagaan ang kalusugan,

Read More »
Scroll to Top