Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panindigan ang pangangangalaga sa kalikasan

SHARE THE TRUTH

 1,702 total views

Patuloy ang panawagan ng grupo ng makakalikasan na manindigan para sa karapatan at pangangalaga sa inang kalikasan.

Ito ang mensahe ni Alyansa Tigil Mina National Coordinator Jaybee Garganera ngayong Bagong Taon bilang na panawagan sa mamamayan na makibahagi sa pagtugon sa pagpapanatili at pangangalaga sa kapaligiran.

Ayon kay Garganera, mahalaga ang maging mapagmatyag at pagkakaroon ng bukas na isipan hinggil sa iba’t ibang krisis na pumipinsala sa mga pinakakaingatang likas na yaman ng bansa.

“Seryosong paalaala, ito ay para sa lahat ng tao lalo na doon sa mga apektadong komunidad. Ito po ‘yung panahon na kailangan nating i-angat ‘yung ating kaalaman, pang-unawa, at ‘yung ating kakayahan para tumugon kung may hamon pong hinaharap na masisira yung likas-yaman o katubigan,” pahayag ni Garganera sa panayam ng Radio Veritas.

Sa Pilipinas, higit na apektado ng mga pagbabago ng kapaligiran ang mga katutubong komunidad na sapilitang pinapaalis upang ang kanilang lupaing ninuno ay gawing lugar ng pagmimina at iba pang proyekto.

Dahil sa pagsisikap na mapangalagaan ang kanilang teritoryo, karamihan sa mga katutubo na likas na tagapangalaga ng kalikasan ang nakakaranas ng pang-aabuso at pagbabanta mula sa mga malalaking kumpanya.

Iginiit ni Garganera na bagamat mapanganib, ang katangiang ipinapakita ng mga katutubo ang magandang tularan ng bawat isa bilang paninindigan ng pangangalaga at pagmamalasakit sa inang kalikasan.

Hinikayat naman ng opisyal na bukod sa pagiging bahagi ng pagtatanggol sa kalikasan, higit ding mahalaga ang paghingi ng gabay mula sa Panginoon upang magampanan ang pagiging tagapangasiwa ng sangnilikha ng Diyos.

“Palagay ko po ay huwag tayong matakot. At maging handa tayo na pag-aralan, makialam, at makilahok doon sa mahahalagang gawain kasama na rin po, dapat manalangin tayo at maging bahagi nung ating panalangin na sana magkaroon tayo ng tamang gabay sa kaisipan at sa ating mga saloobin, sa ating nararamdaman para tayo’y mga maging responsableng tagapangasiwa o stewards ng ating kalikasan,” ayon kay Garganera.

Batay sa ulat ng Kalikasan People’s Network for the Environment, hindi bababa sa 10-land at environmental defenders sa bansa ang pinaslang sa taong 2022.

Nananatili pa rin ang Pilipinas sa ikaapat na bilang sa mga pinakamapanganib na bansa para sa mga tagapagtanggol ng kalikasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kailan maaabot ang kapayapaan sa WPS?

 5,356 total views

 5,356 total views Mga Kapanalig, kahit sa sarili nating karagatan, tila hindi ligtas ang mga mangingisdang Pilipino. Sa pagpasok ng Disyembre, tinarget ng mga barko ng

Read More »

Libreng gamot para sa mental health

 97,788 total views

 97,788 total views Mga Kapanalig, isa sa mga magandang balitang narinig natin ngayong taon ang pagpapalakas ng mga serbisyo para sa mental health.  Inanunsyo noong Hunyo

Read More »

Atapang atao pero atakbo?

 116,122 total views

 116,122 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 133,864 total views

 133,864 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 209,171 total views

 209,171 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top