Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Papal Nuncio, ipinaabot kay President Marcos ang buong tiwala ng international community

SHARE THE TRUTH

 555 total views

Pinangunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang pagbati kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos na opisyal na manumpa bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Sa kanyang talumpati bilang Dean of the Diplomatic Corps sa Vin D’Honneur matapos ang inauguration, ipinaabot ni Archbishop Brown ang buong tiwala ng mga kinatawan ng international community sa bansa sa pamumuno ni Marcos Jr. sa Pilipinas.

Ibinahagi din ng nuncio ang pangako na aktibong pakikipagtulungan ng international community upang matagumpay na maisakatuparan ng administrasyong Marcos ang mandato nito para sa sambayanang Pilipino.

“I know that I speak for all the diplomats gathered here with you this afternoon when I say that we too in the international community harbor the same hopes for your presidency and for your nation, and that we pledge our cooperation and collaboration with your administration in achieving the success of your mandate.” Bahagi ng talumpati ni Archbishop Brown.

Inihayag ni Archbishop Brown na bagamat maraming pagsubok ang maaring kaharapin ng bagong administrasyon ay kaisa naman ng sambayanang Pilipino ang international community sa pagtitiwala sa kakayahan ni President Marcos Jr. na pamunuan at pamahalaan ang bansa.
Ipinaliwanag ng nuncio na buo ang pag-asa ng lahat para sa magandang kinabukasan ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni President Marcos Jr.

“There are certainly challenges as there are for every administration but Mr. President you bring to the office of the presidency an extensive experience of many years in governmental service and your call for unity has resonated deeply and widely with the Pilipino people. For these reasons you begin your term as president with a strong note of hope and confidence in the future. May God bless that future and make it fruitful for the good of the nation.” Dagdag pa ni Archbishop Brown.

Unang ibinahagi ni Archbishop Brown ang taus-pusong pagbati ng Santo Papa Francisco kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang ika – 17 pangulo ng Pilipinas kung saan dalangin ng Santo Papa ang katatagan nito sa pamumuno sa mahigit isandaang milyong mga Pilipino.

Read: Pope Francis, nagpaabot ng pagbati kay PBBM

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 6,281 total views

 6,281 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 14,381 total views

 14,381 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 32,348 total views

 32,348 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 61,707 total views

 61,707 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 82,284 total views

 82,284 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 361 total views

 361 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 5,786 total views

 5,786 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 11,533 total views

 11,533 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top