2,674 total views
Pinatibay ng Stella Maris Philippines ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa International Christian Maritime Association (ICMA) at iba pang Christian organizations sa iba’t ibang bansa upang higit na mapangalagaan ang kapakanan ng mga Pilipinong mandaragat.
Ito ang ibinahagi ni Stella Maris Philippines National Director Fr. John Mission, kasunod ng kaniyang paglahok bilang tagapagsalita sa International Christian Maritime Association East and South-East Asia Regional Conference na ginanap sa Hong Kong.
Ang ICMA ay isang ecumenical cooperation ng iba’t ibang Christian churches at associations na nagkakaisa sa iisang layunin—ang magbigay ng kalinga, serbisyo, at pastoral care sa mga seafarer sa buong mundo.
“It is truly an opportunity for Stella Maris Philippines to engage with other Christian organizations and establish relationships, since the Philippines is one of the highest suppliers of seafarers all over the world. Most of the seafarers ship visitors from other countries meet are Filipino seafarers,” ayon sa mensaheng pinadala ni Father Mission sa Radyo Veritas.
Ayon kay Fr. Mission, mahalagang oportunidad para sa Stella Maris Philippines ang aktibong pakikilahok sa ICMA, lalo’t ang Pilipinas ay kabilang sa pinakamalalaking supplier ng seafarers sa buong mundo dahil Aniya, karamihan sa mga seafarer na nakakasalamuha ng mga ship visitors mula sa iba’t ibang bansa ay mga Pilipino, dahilan upang lalo pang paigtingin ang ugnayan sa iba’t ibang Christian organizations.
Sa conference ay nagkaroon ng palitan ng kaalaman, karanasan, at pagninilay mula sa iba’t ibang resource speakers sa temang “Being Present”—kasama ang mga seafarer na onboard, nasa dormitoryo, nasa pagitan ng kontrata, at maging ang mga cadet. Dito rin kinilala ang maraming hamon at karanasan ng mga mandaragat sa iba’t ibang yugto ng kanilang propesyon.
“Our presence on campus takes many forms. We provide regular spiritual activities: holy Masses, spiritual direction, confession, and recollections for graduating students. These practices are simple yet powerful: they provide a moment to reflect, to center one’s values, and to find support before a student’s first joining. Being physically present on campus means students know there is a trusted place to go when they need counsel or prayer,” bahagi pa ng mensahe ng Stella Maris Philippines
Sa kaniyang talumpati, binigyang-diin ni Fr. Mission ang kahalagahan ng pre-deployment seminars para sa mga seafarer, cadet, at kanilang mga pamilyang naiiwan sa bawat paglalayag dahil ayon sa pari, hindi lamang sa panahon ng paglalayag naroroon ang Stella Maris, kundi lalo na kapag ang mga seafarer ay nasa lupa at naghahanda pa lamang dahil Noong 2025, tinulungan ng Stella Maris Cebu ang may 1,500 maritime students, kabilang ang mahigit 1,200 nagtapos sa isang unibersidad, sa pamamagitan ng personal na dayalogo sa mga paaralan at pagpapatibay ng pastoral care.
Ibinahagi rin ni Fr. Mission na ang paglipat ng mga cadet mula paaralan patungong shipboard training ay panahon ng matinding kaba at pangamba kung saan tugon dito ang pagdaraos ng mga banal na misa, values enrichment seminars, at iba pang uri ng pakikipagtulungan upang mapangalagaan ang kanilang mental health, kasabay ng patuloy na pagpapalawak ng programa sa iba’t ibang maritime schools sa Cebu at Maynila.
Para naman sa mga seafarer na naglalayag at nasa pagitan ng kontrata, itinatag ang MAUNLAD prayer-breakfast group na nagsisilbing pagtitipon para sa panalangin, pagbabahagian, at suporta laban sa pag-iisa at panghihina ng loob




