Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PCNE4, hindi napigilan ng bagyong Gorio

SHARE THE TRUTH

 190 total views

Sa ikaapat na pagkakataon ay muling nagsama-sama ang mga mananampalataya mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang ipagdiwang ang kadakilaan ng Diyos sa Philippine Conference on New Evangelization (PCNE4) 2017.

Hindi napigil ng masamang panahon ang may nasa anim na libong mga pari, madre, kabataan at lay people na magtungo sa University of Sto. Tomas upang iproklama ang mabuting balita ng Panginoon sa ilalim ng tema ngayong taon na ‘Of One Heart and Soul.’

Sinimulan ang pagdiriwang sa Misang Bayang Pilipino na pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na sinundan naman ng mga ‘Heart Encounters’ o magkakasunod na mga panayam patungkol sa papel ng Panginoon sa iba’t ibang aspeto ng lipunan.

Kaugnay nito ay binigyang diin ni Fr. Henry V. Lozano ng Missionaries of the Poor Congregation sa kanyang Talk on Social Justice ang walang maliw na pagmamahal at pag-akay ng Diyos sa mga mahihirap.

“It is easier for people who are materially deprived to turn to God whereas people who have what they need materially sometimes what often happens is they place their trust in those very material things that they possess rather than trusting God Himself who has provided them all of those things,” pahayag ng pari.

Samantala hinihikayat naman ni St. Scholastica’s College Vice President for External Affairs Sr. Mary John Mananzan OSB ang bawat isa sa kanyang Ecology and Environment Talk na ingatan ang mundo na ipinagkatiwala ng Panginoon sa tao.

“When you are caring for the earth, you are caring for God’s creation and you are thanking God for giving us this wonderful Earth to live in and that is spirituality. Actually the care of the earth is spirituality in itself,” ani Sr. Mananzan.

Layunin ng PCNE 2017 na ipagdiwang ang Year of the Parish as Communion of Communities at iproklama ang mensahe ni Hesus na pagdadamayan at pagkakaisa habang isinasabuhay ang misyon na maging tagapaghatid ng mabuting balita ng Panginoon na may iisang puso at kaluluwa.

Ang pagdiriwang ay tatagal hanggang Linggo, ika-30 ng Hulyo kung saan katatampukan ng iba’t iba pang panayam na sesentro sa presenya ng Panginoon sa mahahalagang usapin sa lipunan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THEATRE OF THE ABSURD

 22,709 total views

 22,709 total views “Theater that seeks to represent the absurdity of human existence in a meaningless universe by bizarre or fantastic means”. Kapanalig, ito ang tawag

Read More »

MISALIGNED

 36,769 total views

 36,769 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 55,340 total views

 55,340 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 80,036 total views

 80,036 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 79,638 total views

 79,638 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 105,453 total views

 105,453 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 141,524 total views

 141,524 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567