Pitong sakramento ng Simbahang Katolika, libre na.

SHARE THE TRUTH

 1,290 total views

Manila,Philippines– Pag-aalis ng Arancel, magtuturo ng kultura ng kagandahang loob.

Magtuturo ng kagandagang loob o pagiging mapagbigay sa mga mananampalataya ang pag–aalis ng Archdiocese of Manila sa “Arancel o fixed rate” ng mga sakramento ng Simbahan.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity, sa pamamagitan ng hakbang ay tuluyang maalis na sa kaisipan ng mga tao na binabayaran nila ang mga sakramentong ibinibigay ng Simbahan.

“Kunyari, kung magpapabinyag, serbisyo iyan, magbibigay ako ng 200. Kung magpapakasal, bibigyan ko ng 600 so para may fixed rate na iyan po ay hindi binibili yung sakramento. Iyan po ay suporta ninyo sa Simbahan. Ang problema sa ating panahon na masyadong materialistic, ang tingin niyan ay parang binibigyan mo ng presyo ang mga serbisyo ng simbahan. Kaya ang tanong ay magkano yung kasal? Magkano yung binyag? Magkano yung libing? Kaya ngayon, ang napagdesisyunan ng PCP II (Plenary Council of the Philippines II) nung 1991, tatanggalin ang Arancel, yung fixed rate na ibinibigay sa bawat serbisyo ng simbahan.”paliwanag ng Obispo sa panayam ng Radio Veritas

Nilinaw ni Bishop Pabillo na mula sa fixed rate ay “pledge o donasyon” na kakayanin ng mga layko ang tatanggapin ng mga pari sa mga ibibigay na sakramento ng Simbahan.

Positibo si Bishop Pabillo na sa pamamagitan nito ay matuturuan ang mga layko na ang pagbibigay sa Simbahan ay pagbabalik lamang ng biyaya sa Diyos bilang kanyang mga katiwala.

Pero bago natin mapatupad yan, kailangan natin ng katekesis sa mga tao, katekesis ng belongingness natin sa simbahan, katekesis tungkol sa stewardship na tayo ay mga katiwala lang ng mga biyaya ng Diyos. Kaya kung tayo ay katiwala lang, hindi tayo nag-aalangan na magbigay sa may-ari, at ang stewardship ay hindi lang yun sa pera. Stewardship sa panahon, stewardship sa pananampalataya, stewardship sa kalikasan, stewardship sa ating vocation. So, may bahagi ang Simbahan diyan sa mga biyaya na natatanggap natin sa Diyos bilang pasasalamat sa kanya, bilang tanda ng tiwala natin sa kanya, bilang tanda ng pagmamahal natin sa kanya.Iwasan o alisin na natin ang Arancel para hindi na magkaroon ng mga misunderstanding. Papasok na tayo dito sa tighting o kaya sa pledging.”pahayag ni Bishop Pabillo

Inaasahan ng Obispo na sa pag-alis ng Arancel ay hindi na magiging dahilan ng mga layko ang mahal na sinisingil ng Simbahan kaya hindi sila makapagpabinyag, makapagpakasal, makapagpalibing.

Iniulat ni Bishop Pabillo na simula sa November 2017 bilang bahagi ng “year of the parish” ay tatanggalin na ang Arancel sa Ecclesiastical province of Manila na binubuo ng Diocese of Malolos, Antipolo, Imus, San Pablo, Apostolic Vicariate of Palawan.

Tiniyak ng Obispo na ang pagbabago batay sa sinasabi ng PCP II ay hindi lamang para sa mga layko kungdi isang malaking pagbabago sa mga pari kalakip ng mabuting serbisyo sa mga mananampalataya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 19,582 total views

 19,582 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 34,402 total views

 34,402 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 51,922 total views

 51,922 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 105,348 total views

 105,348 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 122,585 total views

 122,585 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Pangangalaga sa kalikasan, panawagan ng DENR

 10,997 total views

 10,997 total views Nanawagan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng pagkakaisa sa pagtatanim at pangangalaga ng kalikasan sa pagdiriwang ng Arbor Day ngayong

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 47,652 total views

 47,652 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 73,467 total views

 73,467 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 116,504 total views

 116,504 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top