Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pondo ng Pinoy, legacy ni Cardinal Rosales sa mga dukha

SHARE THE TRUTH

 343 total views

Utang na loob na itinuturing ni Pondo ng Pinoy (PnP) Community Foundation Executive Director Anthony Badilla kay Gaudencio Cardinal Rosales ang tagumpay ng organisasyon.

Ayon kay Badilla, kung hindi sa pamamagitan ng Kardinal ay hindi makapagbibigay ng serbisyo ang PnP sa mga maralitang Filipino sa bansa at makapaghahatid ng motibasyon sa pagpapanatili ng dignidad ng buhay.

“Kami ay totoong tumatanaw ng malaking utang na loob kay Cardinal Rosales [sapagkat] napakalaki ng kanyang naging kontribusyon sa simulain ng Pondo ng Pinoy. Dahil po kay Cardinal Rosales, ang Pondo ng Pinoy ay labing tatlong taon na at patuloy pong lumalakas at lumalawak sa iba’t ibang panig ng Pilipinas,”salaysay ni Badilla.

Taong 2004 noong itinatag ni Cardinal Rosales ang Pondo ng Pinoy na may layuning maging simbahan ng mga dukha sa Pilipinas habang binibigyan ng panibagong oportunindad ang mga kapus-palad tulad ng mga programang pangkabuhayan at edukasyon.

Kasabay ng pagbati sa Kardinal ay ang panalangin at pangako ni Badilla na ipagpapatuloy nito ang magandang simulain ng organisasyon at patuloy na isasabuhay ang tunay na diwa ng paglilingkod.

“Ang panalangin namin sa Pondo ng Pinoy ay patuloy s’yang pagkalooban pa ng Panginoon ng malakas na pangangatawan nang sa gayon ay marami pa ring s’yang mainspire na mga kababayang Kristiyanong Katoliko.
Kami sa Pondo ng Pinoy, makakasiguro si Cardinal Dency na ang kanyang simulain ay magpapatuloy,” ani Badilla.

Mababatid noong 2015 umabot sa 21,000 malnourished na mga bata ang napakain at natulungan ng Pondo ng Pinoy sa loob ng anim na buwan sa ilalim ng programa nitong Hapag-Asa Feeding program.

Kahapon ay ipinagdiriwang ni Cardinal Rosales, ang ika-apat na Pilipinong Arsobispo ng Arkidiyosesis ng Manila ang kanyang ika-85 kaarawan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 14,085 total views

 14,085 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 34,812 total views

 34,812 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 43,127 total views

 43,127 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 61,674 total views

 61,674 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 77,825 total views

 77,825 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 101,085 total views

 101,085 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Cardinal Homily
Veritas Team

A listening Shephered to the flock

 65,248 total views

 65,248 total views AUDIAM- I will listen Ito ang commitment ni Jose Cardinal Advincula bilang Arsobispo ng Archdiocese of Manila. Sa kanyang homiliya, inihayag ni Cardinal

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top