Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pontifical coronation ng birhen ng Fatima de Binakayan, pagpapatibay sa ugnayan sa Mahal na Ina

SHARE THE TRUTH

 6,313 total views

Binigyang-diin ni Papal Nuncio to the Philippines, Archbishop Charles Brown, ang kahalagahan ng pagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria bilang bahagi ng mas malalim na pag-unawa sa pananampalatayang Kristiyano.

Ito ang pagninilay ni Archbishop Brown sa Banal na Misa kaugnay ng makasaysayang pagkakaloob ng Pontifical Crown sa imahen ng Nuestra Señora del Rosario de Fatima de Binakayan sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Fatima sa Binakayan, Kawit, Cavite, nitong May 1, 2025, Kapistahan ni San Jose Manggagawa.

Ayon sa arsobispo, hindi kailanman magiging sapat ang pagpupuri at debosyon kay Maria, sapagkat siya ang Ina ng Diyos, ng Banal na Grasya, at buong Simbahan.

“There’s a saying, a motto–a kind of slogan–in Catholic theology about Mary which goes like this in Latin: “De Maria numquam satis,” which literally means “About Mary, it is never enough.” What does that mean? We can never say enough about mary. We can never really praise Mary sufficiently because Mary, as I said, is the Mother of Divine Grace. Mary is the Mother of the Savior. Mary is our mother in heaven,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.

Ipinaliwanag ng kinatawan ng Santo Papa sa Pilipinas na ang mga gawing tulad ng Pontifical Coronation ay hindi upang dagdagan ang kaluwalhatian ng Mahal na Birheng Maria, sapagkat siya ay lubos nang niluwalhati sa kalangitan.

Sa halip, ayon kay Archbishop Brown, ito’y makahulugang tanda ng pagmamahal ng kanyang mga anak na sumasagisag ng pananampalataya at taos-pusong pasasalamat ng sambayanang Kristiyano sa mapagkalingang ina.

Dagdag ng arsobispo, sa pamamagitan ng koronasyon sa Mahal na Birhen ng Fatima ng Binakayan, higit pang pinalalalim ng mga mananampalataya ang debosyon, pinatitibay ang ugnayan sa Mahal na Ina, at mas pinalalapit ang sarili sa kanyang Anak na si Hesus.

“A coronation doesn’t add anything to Mary’s glory–she’s in heaven, glorious now, interceding for us. But the coronation for us is like those of you who are parents– especially mothers–when your child, brings you some flowers that he or she has picked from a field, I’m sure it warms your heart as a mother. A pontifical coronation is like that. We are giving simple flowers to Our Lady–and she’s smiling on us,” ayon kay Archbishop Brown.

Nakasama ni Archbishop Brown sa pagkakaloob ng pontifical crown si Imus Bishop Reynaldo Evangelista, kasama ang rektor at kura paroko ng dambana, Fr. Julius de Sagun, at mga panauhing obispo na sina Novaliches Bishop Roberto Gaa at emeritus Bishop Antonio Tobias, at Cubao Bishop Elias Ayuban, Jr., at emeritus Bishop Honesto Ongtico.

Nakibahagi rin sa pagdiriwang ang mga pari, relihiyoso, at mananampalataya ng Diyosesis ng Imus, gayundin ang mga deboto ng Mahal na Birhen mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa ginanap na civic reception bago ang Banal na Misa, opisyal na inanunsyo ng Pamahalaang Bayan ng Kawit na ang Mahal na Birhen ng Fatima ng Binakayan ay kikilanin bilang “Ina at Reyna ng Kawit.”

Ang Mahal na Birhen ng Fatima de Binakayan ang ikatlong imahen ng Mahal na Birheng Maria sa Diyosesis ng Imus na pinarangalan ng pontifical coronation, kasunod ng patrona ng diyosesis, Nuestra Señora del Pilar ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral sa Imus City; at ng Reina de Cavite, Nuestra Señora dela Soledad de Porta Vaga, ng Diocesan Shrine of Our Lady of Solitude of Porta Vaga—San Roque Parish sa Cavite City.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kaunlarang may katarungan

 34,242 total views

 34,242 total views Mga Kapanalig, nagdiriwang ang mga vendors ng Baguio City Public Market matapos umatras ang SM Prime Holdings sa planong redevelopment ng pamilihan. Patunay

Read More »

Panalo para sa edukasyon?

 58,027 total views

 58,027 total views Mga Kapanalig, ngayong 2026, naglaan ang pamahalaan ng mahigit isang trilyong piso para sa Department of Education (o DepEd) at mga attached agencies

Read More »

Kasakiman at karahasan

 70,262 total views

 70,262 total views Mga Kapanalig, ilang araw pa lang nang salubungin ng buong mundo ang taóng 2026, binulaga ang lahat ng tinatawag na “large-scale strike” ng

Read More »

Lingkod-bayan, hindi idolo

 255,837 total views

 255,837 total views Mga Kapanalig, ano ang isasagot ninyo sa tanong na ito: maaari bang pakisabi kung gaano kalaki o kaliit ang inyong pagtitiwala kay Pangulong

Read More »

Bumaba naman ang mga nasa itaas

 285,706 total views

 285,706 total views Mga Kapanalig, sinasabi sa Mga Kawikaan 15:1: “Ang malumanay na sagot, nakapapawi ng galit, ngunit sa tugóng marahas, poot ay hindi mawawaglit.” Ipinahihiwatig

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Environment
Michael Añonuevo

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 24,957 total views

 24,957 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »

RELATED ARTICLES

Hayuma, inilunsad ng Caritas Philippines

 24,958 total views

 24,958 total views Binigyang-diin ng mga lider ng simbahan ang pangangailangang suriin at palalimin ang pagtugon ng Simbahan sa panawagan ng Laudato Si’ makalipas ang isang

Read More »
Scroll to Top