Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pope Leo XIV sa Media: Ipatanggol ang Katotohanan

SHARE THE TRUTH

 5,646 total views

Vatican- Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga mamamahayag na ipagtanggol ang katotohanan sa gitna ng laganap na disinformation at mga tangkang patahimikin ang media.

Sa kanyang talumpati sa mga kasapi ng MINDS International, isang pandaigdigang samahan ng mga pangunahing news agencies, binigyang-pugay ni Pope Leo XIV ang mga mamamahayag na nag-uulat mula sa mga mapanganib na lugar gaya ng Gaza at Ukraine.

Pinasalamatan din ng Santo Papa ang mga journalist na patuloy na nagsasakripisyo upang maiparating ang katotohanan mula sa mga lugar ng kaguluhan.

“With your patient and rigorous work, you can act as a barrier against those who, through the ancient art of lying, seek to create divisions in order to rule by dividing,” ayon pa kay Pope Leo.

Ayon sa Santo Papa, kung alam ng mundo ang mga nangyayaring karahasan at digmaan, ito ay dahil sa katapangan at dedikasyon ng mga mamamahayag na patuloy na nagsisilbi sa kabila ng panganib.

Binigyang-diin ni Pope Leo na ang gawain ng mamamahayag ay hindi kailanman dapat ituring na krimen, kundi isang karapatan na kailangang ipagtanggol.

Nanawagan din ang pinunong para sa agarang pagpapalaya sa mga journalist na nakulong at inuusig dahil lamang sa kanilang pagsisikap na maibahagi ang katotohanan.

Ayon pa kay Pope Leo XIV, “Doing the work of a journalist can never be considered a crime.It is a right that must be protected.”

Sa panahon ng mabilis na pagpapakalat ng impormasyon at fake news, pinaalalahanan ng Santo Papa ang lahat ng nasa media na manatiling tapat sa kanilang bokasyon, na maghatid ng balanseng impormasyon, may katapatan, at may malasakit sa dignidad ng tao.

“Your service requires competence, courage, and a sense of ethics,” ayon kay Pope Leo.

Giit ng Santo Papa, sa panahon ngayon ng malawak na komunikasyon at teknolohiya, wala nang puwang para sa kawalan ng kaalaman. Ang impormasyon, aniya, ay isang kabutihang panlahat na dapat gamitin hindi para sa panlilinlang, kundi upang itaguyod ang katotohanan, katarungan, at dangal ng bawat tao.

Nagbabala rin ang Santo Papa sa mga panganib ng labis na paggamit ng artificial intelligence sa pamamahayag. Ayon sa kanya, kailangang manatiling sentro ng komunikasyon ang tao, at hindi dapat pahintulutan na ang teknolohiya ang magdikta ng katotohanan.

Hinimok din ni Pope Leo XIV ang mga mamamahayag na maging tagapagtanggol ng katotohanan at sandigan ng lipunan sa panahong binabaluktot ng ilan ang mga katotohanan para sa pansariling interes.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Politics Is Deterent To Economic Development

 57,339 total views

 57,339 total views Sa kasalukuyan, nahaharap ang Pilipinas sa hindi maayos na kalagayan dahil sa malala at sistematikong katiwalian o korapsyon na pangunahing headlines ng mga

Read More »

Dagdag na pondo para sa mga SUC

 74,150 total views

 74,150 total views Mga Kapanalig, sa isang Senate hearing tungkol sa pambansang budget para sa taong 2026, tinalakay ang pagbibigay ng dagdag na pondo sa mga

Read More »

Karapatan sa tirahan

 107,115 total views

 107,115 total views Mga Kapanalig, ngayon ay World Habitat Day. Layunin ng taunang pagdiriwang na ito na isulong ang karapatan ng lahat sa maayos na tirahan.

Read More »

TALO ANG MGA PILIPINO

 127,857 total views

 127,857 total views Sa nabunyag na “endemic corruption” sa flood control projects ng pamahalaan na tumagos sa kaibuturan ng puso at isip ng mga Pilipino. Ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top