219 total views
Hindi solusyon sa kriminalidad ang pagpapababa ng edad ng mga batang dapat parusahan ng batas.
Dapat munang unahin ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga programa sa paglaban sa kahirapan bago asikasuhin ang mga batas na susugpo sa krimen lalo na sa mga kabataan.
Nanindigan si San Jose Nueva Ecija Bishop Roberto Mallari na kapag nalabanan ang kahirapan at umangat ang buhay ng mga Filipino ay mababawasan hindi man masugpo ang krimen na kinasasangkutan ng mga kabataan.
Inihayag ng Obispo na kung hindi pa rin masugpo ang kriminalidad matapos masolusyunan ang laganap na kahirapan ay puwede nang ipatupad ng pamahalaan ang pagpapababa ng edad ng mga criminal offenders.
“Ang sakin first thing’s first… once we have done enough sa poverty alleviation and it did not help in lessening the crimes of children then by all means proceed to the next step especially that the present government is vent to fulfill promises for the poor,” pahayag ni Bishop Mallari sa Radio Veritas. Iginiit ng Obispo na mas makatutulong sa pagsugpo ng kriminalidad ang paglaban at pagharap sa laganap na kahirapan sa mga Filipino.
“Since the present government is vent to work for poverty alleviation, kailangan magfocus muna dito… Makikita mo na nabawasan ang crimen committed by children or young people,” pahayag ng Obispo.
Ipinaliwanag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na layunin ng House Bill-002 na maiiwas sa mga sindikato ang mga batang gumawa ng mga krimen kung kaya’t pinababa ang edad ng mga paparusahan ng batas.