245 total views
April 2, 2020-9:24am
Pangunahing misyon ng sangkatauhan sa kasalukuyan ay ang digmaan laban sa novel coronavirus para sa kaligtasan ng bawat buhay at hindi ang pagpaslang sa kapwa.
Ito ang binigyan diin ng Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Tagle-ang Prefect of the Congregation of Peoples’ kasabay na rin ng pagsang-ayon sa panawagan nina Pope Francis at ng United Nations para sa pandaigdigang tigil-putukan.
Ayon pa sa dating arsobispo ng Maynila, ang panawagan ay pagpapaalala sa lahat na higit na dapat pangalagaan ang buhay ng bawat isa at hindi ang pakikipagpatayan sa kapwa.
“Our common foe is the infection, not other human beings. The proposed ceasefire reminds us that we must be protecting each other, not killing each other. And we hope that when the pandemic is over (and we hope soon), that the ceasefire would continue as a way of life,” ayon kay Cardinal Tagle sa panayam ng Agenzia Fides sa Vatican.
Umaasa din si Cardinal Tagle na sa oras na matapos ang kalaban na pandemya ay maging bahagi na ng lipunan ang pangkalahatang kapayapaan.
Dagdag pa ng Cardinal, isang nakakahiyang kalagayan sa kasalukuyan ng mundo ay ang kakapusan ng mga pangunahing pangangailangan para sa pagliligtas ng buhay, subalit napakarami ang mga armas pandigma na ang misyon ay karahasan at pagpatay sa kaaway.
“It is shameful that some countries have large reserves of weapons but lack medicines, masks and protective equipment. It is scandalous that a big portion of national budgets goes to arms but very little to efforts towards dialogue and reconciliation. It is unbelievable that some people in authority use the emergency for political and ethnic bashing, when the virus does not choose races and political persuasions”.
Nawa ayon pa sa Cardinal ay maging daan ang krisis para sa kapayapaan, pagkakasundo at pagmamahalan bilang magkakapatid sa nag-iisang tahanan.
“To the tired and weary victims of wars I would like to say that their tears, pains and hopes will not be wasted. In God´s hands, the poor will re-educate consciences and re-direct human history “.