PUCP, bukas sa partnership sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

 285 total views

Bukas ang tanggapan ng Philippine Presidential Commission for the Urban Poor (PCUP) sa mga organisayong ng simbahan na nagnanais tumulong sa mga maralitang naapektuhan ng sunog.

Layunin ng isinagawang memorandum of agreement signing sa pagitan ng PCUP at Bureau of Fire Protection ang imulat ang publiko sa panganib na hatid ng sunog lalo na sa mga naninirahan sa urban poor communities kung saan dikit-dikit ang mga bahay.

Kaugnay nito ay inihayag ni PCUP Chairperson Atty. Terry Ridon ang kanilang interes na makipagkaisa sa mga organisayon ng simbahan sa pag-agapay sa mga mahihirap na Pilipino na biktima ng sunog.

Binuksan ng P-U-C-P ang pintuan sa Simbahan para sa pakikipag-ugnayan at lalong mapaigting ang partnership sa ikabubuti ng mga maralitang taga-lungsod.

“Bukas na bukas yung opisina ng PCUP sa pakikipagtulungan hindi lamang sa mga people’s organizations o NGO’s kundi maging sa mga church-based groups na isa din sila na nasa gitna sa pagtulong sa ating maralita. Sa totoo lang, pinag-aaralan po namin sa taon na ito, yung pagkakasa ng church-based CSO’s conference upang mapag-usapan natin yung iba’t ibang mga problemang kinakaharap ng ating mga church-based organizations na tumutulong sa ating mga maralitang tagalunsod,” ani Ridon.

Bukod dito ay nanawagan si BFP Deputy Chief for Administration Leonard Bañago sa publiko na maging maingat sa pag-iwan ng mga kasangkapan at gadgets na ginagamitan ng kuryente na pangunahing pinagmumulan ng sunog.

Sa tala ng BFP, umabot na sa 859 ang naitalang insidente ng sunog sa bansa sa unang bahagi ng taon, kabilang na ang 452 structural incidents, 369 non-structural at 30 vehicular incidents na kumitil sa buhay ng 29 na indibidwal.

Una nang inihayag ni Caloocan Bishop Pablo Virgilo David na ang suliranin sa sunog ay hindi lamang nakapaloob sa fire prevention kundi suliranin din ng kahirapan at kawalan ng maayos na tirahan para sa mga dukha.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 2,877 total views

 2,877 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 28,238 total views

 28,238 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 38,866 total views

 38,866 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 59,854 total views

 59,854 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 78,559 total views

 78,559 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 58,189 total views

 58,189 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 84,004 total views

 84,004 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 125,534 total views

 125,534 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top