Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Radio Veritas 846, nagpaabot ng dasal at pakikiramay sa naiwang pamilya ni Fr. Sonny Ramirez

SHARE THE TRUTH

 619 total views

Ipinagluluksa ng Dominican Province of the Philippines ang pagpanaw ni Fr.Erasmo “Sonny” Ramirez,OP, na kilalang spiritual adviser ng mga public figure sa bansa.

Sumakabilang-buhay ang kilalang paring Dominikano sa edad na 74 na taong.

Si Fr. Ramirez ay nagtapos sa Colegio de San Juan de Letran at isa sa Letran Grandes Figuras Awardee noong taong 2017.

Isa rin si Fr. Ramirez sa mga nagtatag ng Oasis of Love Charismaric Community noong 1988 at isa sa mga founding preachers ng ‘Siete Palabras’ na isang Lenten tradition tuwing Biyernes Santo na pag-alala at pagninilay sa ‘Huling Pitong Wika ni Hesus’.

Pumanaw ang Pari noong Sabado ng tanghali ika- 10 ng Oktubre dahil sa acute myocardial infractions at aspiration to pneumonia.

Unang naging matagumpay ang pagsailalim ni Fr. Ramirez sa kidney transplant procedure ngunit tumanggi na ito na sumailalim sa heart surgery nang makitang may bara sa kanyang puso dahil sa pagiging diabetic.

Isang burial mass ang gagawin para kay Fr. Ramirez ganap na alas-tres ng hapon sa ika-12 ng Oktubre na maaring matunghayan sa live streaming ng Dominican Province of the Philippines Official facebook.

Magdiriwang sana ng kanyang ika-75 taong kaarawan si Fr. Ramirez sa darating na ika-31 ng Oktubre.

Nagpaabot naman ng dasal at pakikiramay ang pamunuan ng Radio Veritas sa mga naiwang mahal sa buhay ng Priest icon.

Matatandaang naging anchor producer si Fr.Ramirez ng “Buklod Bayan program” sa Radio Veritas 846 na noo’y DWRV 846 kasama ng namayapang program director na si “Tatang” Orly Punzalan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 10,575 total views

 10,575 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 18,675 total views

 18,675 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 36,642 total views

 36,642 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 65,958 total views

 65,958 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 86,535 total views

 86,535 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Conclave, isang prayer session

 697 total views

 697 total views Binigyang diin ni Pontificio Collegio Filippino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na ang kasalukuyang isinasagawang Papal Conclave ay hindi lamang gawain para

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,147 total views

 6,147 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 11,865 total views

 11,865 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top