Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Radio Veritas reporter, 2 opisyal ng MOP at 2-media outlet, absuwelto sa cyberlibel case

SHARE THE TRUTH

 8,909 total views

Naniniwala ang opisyal ng Military Ordinariate of the Philippines (MOP) sa tuwinang pananaig ng katarungan at katotohanan.

Ito ang bahagi ng mensahe ni MOP Chancellor and Spokesperson Rev. Fr. Harley Flores kasunod ng pagbasura ng Quezon City Prosecutor’s Office sa Cyberlibel complaint na inihain ni Aries Aguilan na nagpakilalang Anglican archbishop, laban sa dalawang opisyal ng Military Diocese, isang mamamahayag ng Radyo Veritas at dalawa pang media outlet dahil sa umano’y pagbansag sa kanya bilang isang “pekeng” pari.

“Salamat sa Diyos at kahit papaano ay dismissed na yung kaso truly of course justice and truth would always prevail.” Bahagi ng pahayag ni Fr. Flores sa Radyo Veritas.
Pagbabahagi ng ni Fr. Flores, nag-ugat ang nasabing kaso sa ginawang liham na ipinalabas ng Military Ordinariate of the Philippines (MOP) noong October 21, 2022 upang abisuhan ang publiko partikular ang mananampalatayang Katoliko kasunod ng mga reklamo mula sa mga sibilyan at ilang militar sa maling representasyon ng isang Aries Aguilar bilang isang Paring Katoliko na nagmimisa at nagpapakilalang Chaplain ng MOP.

Pinasinungalingan rin ni Fr. Flores ang sinabi ni Aguilan na itinalaga siya bilang isang chaplain para sa Armed Forces of the Philippines Reserve Command noong 2019, kung saan lumabas sa pagsusuri ng MOP na ang kanyang tawag sa aktibong tungkulin ay pinawalang-bisa na noong 2020.

Kinuwesyon rin ni Fr. Flores, ang pabago-bagong pagpapakilala ni Aguilan bilang isang obispo ng International Conservative Anglican Communion, na kilala rin bilang Worldwide Anglican Church na taliwas sa kanyang dating pagpapakilala bilang isang pari ng nasabing grupo.

“Actually hindi naman namin ikinababahala kasi ang punto lang namin ay katotohanan, nag-umpisa lang naman ito sa complain ng mga tao from the military and the civilians kasi maraming nagsusumbong na nagmimisa-misa sa labas, ginagamit ang MOP na Chaplain daw siya tapos vinerify namin sa Reserve Command ay na-dismiss na daw naman siya at nakapagtataka nga dito at nakakatuwa dahil nung siya ay nagkaso ay nagpakilala siyang Obispo dati nagpapakilala siyang Pari ng MOP ng Katoliko pero nung nagkaso na siya ay nagpakilala na siyang Obispo ng a certain sect ba yun o religion.” Dagdag pa ni Fr. Flores.

Nasasaad sa resolusyon ng Quezon City Prosecutor’s Office na may petsang July 2025 na walang nakitang probable cause ang mga prosecutors para kasuhan si Military Bishop Oscar Jaime Florencio, Rev. Fr. Harley Flores, Radyo Veritas 846 Reporter Reyn Letran-Ibañez, Sunstar Publishing Inc., at Daily Tribune sa ilalim ng Seksyon 4(c)(4) ng Cybercrime Prevention Act of 2012.
Wala ring nakitang merit ang Quezon City Prosecutor’s Office sa paratang ni Aguilan na nagdulot sa kanya ng kahihiyan at kasiraan ang naturang liham sirkular at mga artikulo sapagkat ang pangalang nasasaad sa nasabing liham ng MOP na ibinalita ng Radyo Veritas at iba pang media outlet ay patungkol sa isang “Fr. Aries Aguilar” at hindi ‘Aguilan’.

Binigyang diin rin ng mamamahayag mula sa Radyo Veritas na si Reyn Letran-Ibañez na nakabatay lamang sa opisyal na liham ng MOP ang mga artikulong isinasapubliko nito at walang layuning manira ng sinuman.

“As a Radio Veritas political advocate, it is within the course of my duties and responsibilities to cause the publication of information handed down by the Catholic Church… It is my sworn duty to report and write stories with objectivity and without bias based on facts and figures, Catholic Social teachings and Church documents. I have not, nor am I permitted to add my own commentary other than what is reasonably inferred from information given to me and in line with the teachings of the faith.” Bahagi ng pahayag ni Letran-Ibañez.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 16,255 total views

 16,255 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 30,215 total views

 30,215 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,367 total views

 47,367 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,571 total views

 97,571 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,491 total views

 113,491 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 15,661 total views

 15,661 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 23,715 total views

 23,715 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top