Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Sama-samang tugunan ang kahirapan

SHARE THE TRUTH

 304 total views

Mga Kapanalig, upang mapabilis ang paglilinis sa listahan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (o 4Ps), iminumungkahi ni Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo ang pagkakaroon ng mga “tipsters.” Sa sistemang ito, isusumbong ng mga tipsters sa hotline o official Facebook page ng DSWD ang mga ineligible o hindi kwalipikadong maging bahagi ng programa. Kahit sino raw ay maaaring maging tipster. Mayroon namang mga social workers na gagawa ng validation sa mga tip bago ibigay ang pabuyang sanlibong piso sa mga nagsumbong.

Bagamat mahalaga ang pagsasaayos sa listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps, may mga hindi natuwa sa mungkahi ng kalihim. Tanong ng ilan sa social media: segment ba ang pamamaraang ito sa mga dating TV at Youtube program ng kalihim at kanyang mga kapatid? Kilala ang mga palabas na ito sa pagpapakita ng mga nag-aaway na magkakapamilya at magkakapitbahay kung saan inuungkat at inuusisa ang mga dahilan ng ‘di pagkakasundo at sinusubukang “aksyunan” ang mga ito.

Dismayado naman ang dalawang dating kalihim ng DSWD. Para kay dating Secretary Esperanza Cabral, pagsasabungin nito ang mga miyembro ng komunidad. Inihalintulad pa niya ito sa estratehiya ng mga Hapon noong World War II upang makapag-espiya sa mga komunidad. Ayon naman kay dating Secretary Judy Taguiwalo, magdudulot lamang ito ng pagkakawatak-watak sa mga komunidad. Magtatanim daw ito ng takot at suspetsa sa isa’t isa dahil tila ba nagtatago ang mga hindi kwalipikadong benepisyaryo at kailangan silang isuplong kapalit ng pabuya.

Dagdag ni Senador Koko Pimentel, tungkulin ng DSWD bilang tagapagpatupad ng programa ang paglilinis ng listahan. Ipinaalala niyang ang pondo ng programa ay dapat na mapunta sa mga mahihirap na pamilya. Ang pabuyang sanlibong piso sa mga tipsters ay hindi nalalayo sa 1,200 hanggang 1,400 pisong natatanggap ng isang benepisyaryo sa 4Ps kada buwan. Kung itutuloy daw ang mungkahi ng kalihim, mawawalan ng tunay pokus ang programa. Ang pondo ng programa ay para sa pag-aangat sa kalagayan ng mahihirap at hindi para sa pabuya sa mga tipsters. Kailangan daw masinop na gamitin ng DSWD ang sarili nitong resources nang maisaayos ang pagpapatupad ng 4Ps.

Ang pagkamit sa common good o kabutihang panlahat ay tungkulin ng bawat isa sa atin, ngunit higit na malaki ang papel ng pamahalaan upang maabot natin ito. Common good ang pangunahing rason kung bakit tayo may pamahalaan. Kailangan ang kumpas ng pamahalaan sa pagbabalangkas ng kaunlarang nais nating tunguhin bilang isang bayan. Sa pangunguna ng pamahalaan at kasama ang pakikiisa ng mamamayan, sama-sama nating matutugunan ang mga suliraning ating kinakaharap katulad ng kahirapan.

Kaya naman, hindi dapat ipinapasa sa taumbayan ang trabaho at tungkulin ng DSWD na linisin ang listahan ng mga benepisyaryo ng 4Ps. Dapat ding iwasan ang ‘ika nga’y pagsasabong ng mga miyembro ng komunidad upang matukoy ang mga ‘di kwalipikadong benepisyaryo. Sa halip na ituring ng mga miyembro ng komunidad ang isa’t isa bilang kanilang kapwa at magtulungan sa pag-angat ng kalagayan ng lahat, baka tumingkad pa ang pagkakaiba-iba nila ng estado sa buhay na magdudulot naman ng panghuhusga. Samakatuwid, imbis na mapagtibay ng 4Ps ang samahan at ugnayan sa komunidad, maaari itong magdulot ng hidwaan kung matutuloy ang plano ni Secretary Tulfo.

Mga Kapanalig, katulad ng sinasabi sa 1 Corinto 12:26-27: “Kapag naghihirap ang isang bahagi, lahat ay naghihirap na kasama niya… Kayo nga ang katawan ni Kristo, at ang bawat isa’y bahagi nito.” Sa huli, magkakakampi tayo sa pagsugpo sa kahirapan. Hindi tayo magkakalaban. Makahanap sana ang DSWD ng mas akmang solusyon sa mga hamon sa pagpapatupad ng 4Ps, at makabuo pa ng mga programang tutulong din sa ibang hindi naaabot ng programang ito.

Sumainyo ang katotohan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 40,289 total views

 40,289 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,377 total views

 56,377 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,857 total views

 93,857 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,808 total views

 104,808 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 40,290 total views

 40,290 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,378 total views

 56,378 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,858 total views

 93,858 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,809 total views

 104,809 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 94,349 total views

 94,349 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 95,076 total views

 95,076 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 115,865 total views

 115,865 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 101,326 total views

 101,326 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 120,350 total views

 120,350 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top