San Vicente Ferrer parish, idineklarang national cultural treasure

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,100 total reads

Pormal nang idineklarang National Cultural Treasure ng National Museum of the Philippines (NMP) ang Church Complex ng San Vicente Ferrer Parish sa Calape,Bohol.

Ayon kay Tagbilaran Bishop Alberto Uy, bukod sa natatanging kahalagahang arkitektural ng simbahan mahalaga rin ito sa buhay pananampalataya ng mamamayang nasasakop ng parokya at sa buong lalawigan.

“A prime example of a gothic architectural style, the church complex not only stands as a distinct cultural landmark of our beloved province but a testament to our enduring faith continuously fostering a unique identity and solidarity for our people,” bahagi ng pahayag ni Bishop Uy.

Ang simbahan at bayan ng Calape ay pawang nakatalaga kay San Vicente Ferrer bilang patron at naitatag noong 1802 kung saan ang simbahan ay Gothic-Inspired.

Pinamahalaan ng mga misyonerong Augustinian Recollects ang simbahan hanggang 1898 bago nai-turn over sa secula priest.

Mula sa pagiging simbahang gawa sa light materials sinimulan noong 1933 ang pagtayo sa neogothic style na simbahan at natapos noong 1954.

Dahil sa natatanging disenyong pinanatili hanggang sa kasalukuyan ay tinagurian itong ‘epitome of Bohol Gothic’ na makikita sa loob ng simbahan lalo na sa altar at kumpisalan.

Batay sa kasaysayan pinangunahan nina Eliseo Josol at Rosalio Real ang pagtayo ng Calape Church batay sa disenyo nh Santo Domingo Church sa Intramuros.

Nakalagak din sa bell tower ng simbahan ang makasaysayang kampana noong 1690 na nakatalaga kay St. John the Baptist mula sa isang simbahan noon sa Cebu.

Ginanap ang official turnover ng marker noong May 9 kasabay ng pagdiriwang ng bisperas sa kapistahan ng parokya.
Dumalo sa seremonya si Bishop Uy kasama si Fr. Johnson Inte ang kura paroko ng parokya, Fr. Nilo Pana ang parochial vicar, Calape Mayor Julilus Caesar Herrera, Rachelle Lacea ng NMP-Bohol.

Pinasalamatan ng obispo ang lahat ng nagtulong-tulong sa pagkilalang natanggap lalo na kay Fr. Milan Ted Torralba ang Chairperson ng Commission on Cultural Heritage, Diocese of Tagbilaran at kasapi ng NMP Panel of Experts.

Ito na ang ikasiyam na simbahan sa Bohol na kinilalang National Cultural Treasure bukod pa sa mga simbahang kinilalang National Historical Landmark at Important Cultural Property.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 186,518 total reads

 186,518 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 215,110 total reads

 215,110 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 249,232 total reads

 249,232 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 305,636 total reads

 305,636 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top