Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Santo Papa Francisco nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa biktima ng digmaan sa Marawi

SHARE THE TRUTH

 249 total views

Nagpahayag ng pakikiisa ang kaniyang Kabanalan Francisco sa kalagayan ng Pilipinas, partikular ang kaguluhan sa Marawi.

Ito ang inihayag ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad na nagkaroon ng maigsing pagkakataon na makausap ang Santo Papa Francisco kasabay na rin ng pagtanggap niya ng ‘pallium’ sa Vatican.

“So touching when I kiss his hand and I told him that I am from Mindanao in Ozamis. I could see that his face was very much interested to listen more and then he told me, I know that you suffered a lot there. It was a very touching moment because immediately he said, I know you suffered a lot. I know, I know and for that I pray for you and for your people. That is the message that he gave to me,” ang bahagi ng pahayag ni Archbishop Jumoad.

Sa kasalukuyan ay higit na sa isang buwan ang kaguluhan sa Marawi City na base sa ulat ay umaabot na sa 317 na terorista ang napapatay habang may higit pa sa 100 pa ang bilang ng mga armadong grupo ang nanatili sa ibang barangay sa lungsod kung saan patuloy ang labanan.

May 400 libong katao naman ang bilang ng mga nagsilikas na residente dahil sa kaguluhan, habang nanatiling bihag ng Maute group si Fr. Chito Suganob at ilan pang mga sibilyan.

Sinabi naman ng arsobispo na hindi pa maitatakda ang isasagawang pagdiriwang sa Archdiocese of Ozamiz, lalo’t wala pang naitatalagang Papal Nuncio ang Vatican bilang kahalili ni Archbishop Guissepe Pinto na itinalaga sa Croatia matapos ang anim na taon na pananatili sa Pilipinas.

Ang seremonya ay isasagawa na lamang sa kani-kanilang home archdiocese na pangungunahan ng Apostolic Nuncio sa bansa –na sinadya upang marami ang makasaksi sa pagdiriwang.

Ang pallium ay ‘vestment’ na gawa sa puting tela na isinusuot ng Santo Papa at mga arsobispo- na nagpapakita ng awtoridad sa kanilang nasasakupan at simbolo ng pakikipag-isa sa Holy See.

Bukod kay Archbishop Jumoad, kabilang din sa tumanggap ng pallium si Lipa Arcbishop Guilbert Garcera –at 30 iba pa na bagong arsobispo sa iba’t ibang panig ng mundo.

Si Archbishop Jumoad ng Ozamiz ay itinalaga noong November 2016 habang si Archbishop Garcera ay itinalaga naman bilang arsobispo ng Lipa noong Pebrero 2017.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 40,224 total views

 40,224 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,312 total views

 56,312 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,792 total views

 93,792 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,743 total views

 104,743 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 5,143 total views

 5,143 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 24,799 total views

 24,799 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top