Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Seek God’s kingdom, paalala ng CBCP President sa mga paring mag-aaral sa PCF

SHARE THE TRUTH

 3,385 total views

Pinangunahan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, ang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang Mass of the Holy Spirit at Committment Proffession of Faith of Administrators and Students ng Pontificio Collegio Filippino.

Ikinagalak ni PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston ang pakikiisa ni Bishop David sa paghahanda ng mga paring mag-aaral sa Roma gayundin sa muling pagtalaga ng mga nangasiwa sa institusyon sa pagsisimula ng panibagong school year.

“The PCF is an Episcopal Commission in itself under the CBCP, and we are blessed to have the CBCP President celebrate with us.” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Sa mensahe ni Bishop David, pinaalalahanan nito ang mga pari na unahin ang Panginoon sa bawat gawain lalo na sa kanilang adhikaing mas palawakin ang kaalaman na makatutulong sa pagtupad ng kanilang misyon bilang mga pastol ng simbahan.

“Seek the one thing that is necessary, to seek God’s Kingdom in all that we do.” ayon kay Bishop David.

Ilan sa mga kursong kinukuha ng mga pari sa mga unibersidad sa Roma na may specialization sa Ecclesiastical studies tulad ng Theology, Philosophy, Canon Law, Sacred Scripture, Communications at iba pa.

Itinatag ang PCF noong 1961 bilang ‘Home in Rome’ ng mga paring ipinapadala ng mga obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa Pilipinas para sa advance studies kung saan itinalaga ng CBCP si Antipolo Bishop Ruperto Santos bilang chairman ng komisyon ng PCF.

Pagbabahagi pa ni Fr. Gaston na tuwing weekend at bakasyon ay nagmimisyon ang mga Pilipinong pari sa mga Filipino communities sa Europa.

“They are deeply engaged in the ministry of scientific reflection on our faith.” dagdag pa ni Fr. Gaston.

Sa kasalukuyang datos may 50 Pilipinong pari ang naninirahan sa institusyon habang pito naman ang mga dayuhan.

Ilan sa mga paring nagtapos ng kanilang advance studies sa Roma ang naglilingkod sa iba’t ibang simbahan, mission territories sa buong mundo kabilang na sa Vatican City.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 17,419 total views

 17,419 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 25,519 total views

 25,519 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 43,486 total views

 43,486 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 72,653 total views

 72,653 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 93,230 total views

 93,230 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,237 total views

 4,237 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 9,845 total views

 9,845 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,000 total views

 15,000 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top