Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Segunda Mana charity outlet, binuksan sa Fairview Terraces Mall

SHARE THE TRUTH

 367 total views

Opisyal na binuksan sa Fairview Terraces Mall, Quezon City ang ika-27 Seguna Mana Charity outlet at kauna-unahan sa Diocese of Novaliches.

Ayon kay Novaliches Bishop Antonio Tobias na siyang nanguna sa pagpapasinaya ng pinakamalaking sangay ng Segunda Mana, isang magandang pagkakataon ang pagsasama ng Caritas Manila at Caritas Novaliches sa pagtataguyod ng iisang layuning makatulong sa mga dukha at maipakita sa publiko ang produkto ng mga maliliit na negosyante.

“Napakaganda ng konsepto ng Segunda Mana sapagkat yung iniisip natin na patapon na, walang kuwenta at nasa mga bodega na, ilagay natin sa Caritas Manila at ipagbibili sa mga tao dito sa Diocese and you will see na iba ang magiging epekto nito sa ating buhay. Kaya huwag nating sayangin ang ating mga patapon maski anong bagay ilagay natin dito para ayusin kaya nga Segunda Mana, aayusin lang tapos ipagbibili sa isang cost na afforadable sa mga mahihirap and also magkakaroon din sila ng mga gamit na akala natin ang mga mayayaman lang ang magkakaroon,” pahayag ng Obispo.

Ang pondong malilikom ng Segunda Mana Novaliches branch ay pangunahing susuporta sa pag-aaral ng 500 sa 5,000 mahihirap na scholars ng Caritas Manila sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program at tutugon sa mga pro-poor programs ng diyosesis tulad ng feeding program, educational assistance at drug rehabilitation.

Kaugnay nito ay lubos ang pasasalamat si Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual sa mga taong patuloy na sumusuporta at nagbabahagi ng kanilang yaman upang makatulong sa mga kapus-palad at naisasantabi ng lipunan.

“Nagpapasalamat tayo sa Panginoon na binigyan tayo ng isang malaking Segunda Mana Charity Outlet dito sa Diocese of Novaliches to the courtesy of Mr. Fernando Zobel de Ayala. Dito po tayo sa Fairview Terraces Mall kung saan narito ang ating 150 square meter na napakalaking outlet na produkto ng mga donation sa atin ng mga tao na siyang ating tinitinda upang matulungan ang scholarship program ng Caritas Manila, matulungan ang ating mga micro entrepreneur at siyempre makatulong sa ating environmental care na itinataguyod ni Pope Francis,” ani Fr. Pascual

Tampok sa flagship outlet ang mga premium secondhand items tulad ng damit, bag at sapatos gayundin ang mga produkto ng Caritas Margins tulad ng handmade rosary, wallet at artworks na gawa ng nasa 900 micro entrepreneur partners ng Caritas Manila mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ipinapakita ng Segunda Mana ang pagsuporta ng Caritas Manila sa panawagan ng Santo Papa sa pagwawaksi ng kulturang patapon o “throw away culture” habang isinusulong ang environmental advocacy ng simbahan na reduce, reuse at recycle.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 14,793 total views

 14,793 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 29,504 total views

 29,504 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 42,362 total views

 42,362 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 116,578 total views

 116,578 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 172,232 total views

 172,232 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 94,604 total views

 94,604 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 120,418 total views

 120,418 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 153,236 total views

 153,236 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567