Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Seguridad sa matataong lugar, mas hinigpitan

SHARE THE TRUTH

 185 total views

Mas mahigpit na seguridad ang ipinatutupad ngayon ng Philippine National Police kaugnay ng papalapit na Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay PNP-NCRPO Director Chief Superintendent Oscar Albayalde, bilang bahagi ng pagtiyak sa seguridad at kaayusan ng bansa ngayong kapaskuhan pansamantalang hindi pinahintulutan sa mga miyembro NCRPO ang Christmas at New Year’s break para sa mas mahigpit na pagbabantay sa mga komunidad.

Paliwanag ni Albayalde, simula pa lamang ng buwan mas aktibo na ang operasyon at pagbabantay ng mga pulis sa iba’t ibang matataong lugar tuwing papalapit ang kapaskuhan.

“For our part sa NCRPO, wala kaming Christmas and New Year’s break, so kinancel ko yun just to ensure yung aming deployment is in place at to ensure the safety of the public. So as of now, meron tayong mga nakatalagang mga police assistance desk sa mga places of convergence and of course yung mga bus martials natin, nandyan din at yung mga security sa mga malls lalo na sa mga open market na 24-hours particularly dyan sa may Baclaran area at Tutuban Area…” ang bahagi ng pahayag ni Chief Supt. Albayalde sa panayam sa Radio Veritas.

Pagtiyak pa ng opisyal, bente-kwatro oras ang isinasagawang pagbabantay ng mga kawani ng pambansang pulisya upang tiyakin ang seguridad ng bawat mamamayan, partikular na sa kinaugaliang Simbang Gabi at Misa de Gallo ng mga Filipino kung saan normal na lamang aniya ang pagtataas ng alerto ng PNP tuwing kapaskuhan.

“Sa mga Churches kasi, naglagay tayo ng mga uniformed personnel natin like yun sa mga malalaking Simbahan sa may Quiapo we like mga 30 personnel na uniformed personnel dyan, sa mga ibang Simbahan naman may minimum tayo na 5 to 10 uniformed personnel, depende dun sa laki ng Church at saka dun sa volume ng tao na pumupunta dun sa Simbahan during the Simbang Gabi…” dagdag pa ni Albayalde.
]
Ayon kay Albayalde, hindi bababa sa 5 uniformed personnel ang nakatalaga sa iba’t ibang Simbahan at mga matataong lugar at hindi pa rin ibinababa ng PNP ang alerto nito mula sa Terror Alert Level 3 bunsod ng mga patuloy na banta ng karahasan sa bansa.

Sa panlipunang katuruan ng Simbahan ang kapaskuhan ay isang natatanging panahon sa paggunita ng kapanganakan ni Hesus na nagligtas sa sangkatauhan kaya’t marapat lamang na tunay na maisabuhay ang natatanging araw ng kapaskuhan ng mapayapa at nagkakaisa.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 18,746 total views

 18,746 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 26,846 total views

 26,846 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 44,813 total views

 44,813 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 73,970 total views

 73,970 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 94,547 total views

 94,547 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mga manggagawa, binigyang pugay ng CLCFNT

 6,869 total views

 6,869 total views Binigyang pugay at pagkilala ng Church Leaders Council for National Transformation (CLCFNT) ang lahat ng mga manggagawang Pilipino sa bansa at maging sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top