27,868 total views
STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon.
Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng presidente ang tunay na kalagayan ng bansa, ano-anong mga problema ang kinakaharap ng mamamayang Pilipino. Kaakibat nito ang pagpapaalam ng pangulo ng mga solusyon, mga programa na tutugon sa nararanasang suliranin na magpapaangat o magpapanibago sa buhay ng maraming maralitang Pilipino.
Pero, nakagawian na Kapanalig sa SONA, hindi iniuulat ng lider ng bansa ang mga problemang nagiging ugat ng laganap na kahirapan, laganap na corruption sa mga ahensiya ng gobyerno, ehekutibo, lehislatura at judiciary. Ang SONA ay nagiging platform o avenue ng pangulo ng Pilipinas ang pagyayabang sa kanyang mga accomplishment, sa kanyang mga gagawin pa sa nalalabi niyang termino. Sa SONA Kapanalig, nagaganap ang “political grandstanding”. Kung hinahangaan mo ang porma sa pagrampa ng mga modelo, sa SONA… may kanya-kanya ding “fashion statement” ang mga mambabatas at opisyal ng pamahalaan na kabahagi at imbitado sa pag-uulat sa bayan ng pangulo ng bansa. Siempre uso din dito ang pakitang-tao.
Sa July 28, 2025…sa ikaapat na pagkakataon, mag-uulat sa bayan ang Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., ano ang inaasahan mo Kapanalig na ilalahad ng pangulo sa SONA?
Apat na taon nang nanunungkulan si PBBM, apat na taon na ring naging anino., bahid sa kanyang accomplishment ang pangakong 20-pesos na presyo ng bigas kada kilo. Kahit anong gawin ng gobyerno na subsidy sa pamamagitan ng KADIWA store, hindi pa rin bumababa ang presyo ng bigas. Sa kasalukuyan ang pinakamababang halaga ng isang kilo ng bigas ay 41-pesos. Paano naman bababa ang presyo ng bigas, kung mayroong rice cartel? Matindi din ang ginagawang importasyon ng bigas? Nandiyan din ang rice tarification law? Wala ding suporta ang pamahalaan sa mga kawawang magsasaka na biktima ng tagtuyot, sunod-sunod na mga bagyo. Balakid din sa pangarap ng pangulo na pag-unlad ng ekonomiya ang patuloy na tumataas na inflation rate. Dahil sa mataas na inflation rate Kapanalig, hindi mapigilan ang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin, mga serbisyo publiko mataas na rin.
Problema din ng pamahalaan, ang mababang pasahod, dumarami ang walang trabaho, tumataas ang bilang ng mga nagugutom. Dahil dumarami ang mahirap na Pilipino, tumaas din kaso ng krimen.
Kapanalig, ang mga problema na kinakaharap ng bansa at solusyon dito ay tiyak na hindi ibabagi ng pangulo sa SONA. Sa halip, ipagyayabang ng pangulo sa SONA ang resulta ng survey na nagsasabing tumaas ang kanyang trust rating.
Noong May 1, 2025., Hinamon ni Pope Francis ang mga Katoliko na makisangkot sa politika” Catholics must get involved in politics even if it may be “dirty,” frustrating and fraught with failure. Given today’s “throwaway” culture and so many problems unfolding in the world, “Do I as a Catholic watch from my balcony? No, you can’t watch from the balcony. Get right in there!”
Sumainyo ang Katotohanan.