Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“State of No Action” ng pangulong Marcos sa pagmimina sa bansa, pinuna ng grupo

SHARE THE TRUTH

 1,742 total views

Umaasa si Bayombong, Nueva Vizcaya Bishop Jose Elmer Mangalinao na magkakaroon ng himala upang tuluyan nang mahinto ang pagmimina sa bansa.

Ayon kay Bishop Mangalinao, malubha na ang idinulot na pinsala ng pagmimina sa mga likas na yaman ng bansa dahilan upang maging ang mga pamayanan lalo na ng mga katutubo ay makaranas ng mga panggigipit at pagbabanta.

Iginiit ng Obispo na sa halip na pangalagaan ang kapakanan ng kalikasan at mamamayan, ang pamahalaan pa ang nangunguna sa pagpapahintulot sa mga mapaminsalang proyekto kapalit ng maliit na pondong makukuha rito.

“We are still praying for God’s gracious miraculous interventions for the complete stoppage of open pit mining (which was duly approved by the government). Why complete stoppage? For the destructive effects of mining far outweigh the gains it gives to the government and the society,” pahayag ni Bishop Mangalinao sa panayam ng Radyo Veritas.

Mariing tinututulan ni Bishop Mangalinao ang pagmimina partikular ang operasyon ng OceanaGold copper-gold project sa Barangay Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya na lubhang nakakaapekto sa mga katutubong pamayanan ng Tuwali.

Sinabi ng obispo na ang nakikitang benepisyo ng pamahalaan sa pagmimina ay malayo sa mga nararanasan ng mga apektadong pamayanan na higit pang naghihirap dahil sa pinsalang dulot nito.

Itinuturing naman ng Alyansa Tigil Mina na State of No Action ang ginampanan ng pamahalaan sa pagtugon sa mga krisis pangkalikasan sa nakalipas na taon.

Ayon sa ATM na sa loob ng isang taon ay hindi tinugunan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. at Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Toni Yulo-Loyzaga ang panawagan ng mga pamayanang apektado ng pagmimina.

Tinukoy ng grupo ang patuloy na operasyon ng Altai Philippines Mining Corporation sa Sibuyan Island, Romblon at Ipilan Nickel Corporation sa Brooke’s Point, Palawan.

Pagbabahagi ng ATM, nagsagawa ng iba’t ibang gawain ang mga apektadong pamayanan kabilang na ang pagpapasa ng petisyon, pakikipag-ugnayan sa mga kinauukulan, at pagsasagawa ng barikada laban sa pagmimina.

“Investigations have still to be conducted, mining operations have yet to be permanently stopped, and mining contracts have still to be cancelled. Worse, while the demands of mining-affected communities are ignored, mining companies are given headway in their operations,” saad ng ATM.

Sa kasalukuyan, mayroong 11 large-scale offshore mining projects sa buong bansa, kung saan batay sa Philippine Reclamation Authority (PRA), nakapila ang 175 reclamation projects.

Inihayag naman ng People’s Network for the Integrity of Coastal Habitats and Ecosystems, mayroong 46 reklamasyon sa Manila Bay lamang na makakaapekto sa 32-libong ektarya ng karagatan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Atapang atao pero atakbo?

 17,535 total views

 17,535 total views Mga Kapanalig, hanggang sa mga oras na isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin nakikita kahit ang anino ni Senador Ronald

Read More »

Nang marinig naman nila ang katarungan

 35,310 total views

 35,310 total views Mga Kapanalig, sa araw na ito, magkakaroon na ng Filipino Sign Languange (o FSL) interpreters sa lahat ng korte sa Pilipinas. Maituturing itong

Read More »

PHILIPPINE JUSTICE SYSTEM

 111,293 total views

 111,293 total views Justice for everyone! Hindi ito umiiral sa Pilipinas. Ang masakit na katotohanan Kapanalig, hinulma na ng justice system at political system ang Pilipinas

Read More »

FUNCTIONAL ILLITERACY

 135,045 total views

 135,045 total views Bago matapos ang taong 2025…. At bago mag-adjourned ang Kongreso sa ika-20 ng Disyembre 2025, minamadali na ang pagtalakay at pag-apruba sa budget

Read More »

Pasko ng mga OFW

 125,303 total views

 125,303 total views Mga Kapanalig, dadagsa ang mga OFW at mga kapamilya natin sa abroad na uuwi ng Pilipinas ngayong Pasko. Pero marami rin ang hindi

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top