Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tatak ng isang tunay na bayani

SHARE THE TRUTH

 1,160 total views

Mga Kapanalig, ginugunita natin ngayon ang kaarawan ng isa sa mga kilalá at dinadakilang bayaning Pilipino, si Gat Andres Bonifacio. Marami na tayong narinig tungkol sa kanyang buhay at sa kanyang kamatayan sa kamay ng mga kapwa Pilipino. Sa tuwing babalikan natin ang buhay ni Bonifacio, mainam na tanungin natin ang ating mga sarili: anu-ano nga ba ang tatak ng isang tunay na bayani?

Upang masagot ito, kailangan nating kilatisin ang isang kinikilalang bayani hindi lamang sa pamamaraang kanyang napili upang itaguyod ang kanyang ipinaglaban. Sa kaso ni Bonifacio, kailangan nating lampasan ang mga “stereotypes” o pagkakahon sa kanya. Palawigin natin ang pagkilala sa kanyang pagkabayani na sa napakahabang panahon ay ibinabatay lamang sa imahe niyang may hawak na bolo habang isinisigaw ang mithiing makalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga mapang-aping mananakop.

Huwarang Pilipino si Bonifacio. Sinasabing siya ang nagtaguyod sa kanyang mga kapatid nang mamatay ang kanilang mga magulang. Nagsumikap siyang maghanapbuhay kasabay ng paglinang sa kanyang kaalaman. Nang dumating ang panahon ng unti-unting paggising ng mga Pilipino sa katotohanan ng hindi pagkakapantay-pantay sa kanilang lipunan, buong giting niyang sinimulan ang isang kilusang aagapay sa mga kababayang naghahangad ng pagbabago. Lider ng Katipunan si Bonifacio, ngunit hindi niya ginamit ang kayang katungkulan upang isulong ang kanyang pansariling interes.

Ang tunay na bayani ay may kakayahang intindihin ang kalagayan kanyang kapwa, hindi ang sila’y pagsamantalahan. Ito ang nag-uudyok sa kanyang kumilos, hindi para iangat sa pedestal ang sarili o para masunod ang kanyang sariling kapritso, kundi upang ang mga pinagkakaitan ng katarungan ay makatanggap nito.

Sa kasaysayan ng ating pananampalatayang Katoliko, itinuturing nating mga bayani ang mga karaniwang taong sinaksihan ang kanilang pananampalataya sa hindi pangkaraniwang paraan. Sila ang mga martir at mga santo, mga huwaran kung paano mabuhay bilang mga tagapagpalaganap ng Mabuting Balita sa isang magulo at kumplikadong mundo. Sa tuwing ginugunita natin sila sa araw ng kanilang kapistahan, ipinapaalala sa atin ang buhay na kanilang tinahak, at mula rito ay makahahango tayo ng karunungan at lakas upang tayo rin ay makapag-ambag sa pagtatag ng kaharian ng Panginoon dito sa lupa. Sa kanila natin nakikita ang pagkilos ng pag-ibig ng Panginoon tungo sa mas pantay at mapayapang buhay ng Kanyang mga nilikha.

Hindi nalalayo ang mga katangian ng isang martir o santo sa isang bayaning nagsulong ng tunay na katarungan para sa kanyang bayan. Kapwa ay naghahangad ng pagbabagong hindi lamang nakatuon sa sarili. Iniaalay nila ang kanilang buhay para sa isang mas malaki at mas malalim na dahilan. Handa silang magsakripisyo, handa silang iwan ang pansariling kapakanan, dahil naniniwala silang ang buhay sa mundo, upang maging makabuluhan at makahulugan, ay dapat na inilalaan para sa kabutihan ng mas nakararami.  

Mga Kapanalig, mainit hanggang sa ngayon ang isyu ng paglilibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. (Minsan na natin itong tinalakay sa isang editoryal.) Ngunit sa araw na ito, kung kailan natin inaalala ang kabayanihan ni Gat Andres Bonifacio, tunay namang napapanahong pag-isipang mabuti kung anu-ano ang ating mga batayan upang sabihing ang isang Pilipino ay nararapat na kilalanin bilang isang bayani, bilang isang mabuting halimbawa, hindi lamang ng katapangan kundi ng tunay na paglilingkod sa kanyang kapwa.   

Nawa’y hindi lamang sa mga okasyong ito natin pinagninilayan ang pagiging isang bayani. Araw-araw natin itong pagmunihan sa ating pakikisalamuha sa iba, sa tuwing nanonood tayo ng balita, o kapag may nababasa tayo sa social media. At tayo mismo, sa ating mga kilos, gawi, at salita, paano ba natin isinasabuhay ang halimbawa ng mga taong kinikilala nating bayani? Dahil kung ang kinikilala nating “bayani” ay inuna ang sarili sa halip na paglingkuran nang tapat ang kanyang kapwa, magdalawang-isip tayo sa bayaning ating tinitingala.

Sumainyo ang katotohanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 40,293 total views

 40,293 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,381 total views

 56,381 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,861 total views

 93,861 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,812 total views

 104,812 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

kabaliwan

 40,294 total views

 40,294 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,382 total views

 56,382 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,862 total views

 93,862 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,813 total views

 104,813 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 94,351 total views

 94,351 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 95,078 total views

 95,078 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 115,867 total views

 115,867 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 101,328 total views

 101,328 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 120,352 total views

 120,352 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »
Scroll to Top