47,694 total views
Kapanalig, bago pa ba sa inyo ang hindi masolusyunan na problema sa traffic hindi lamang sa Metro Manila maging sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas?
Sa Metro Manila, ang mabagal na usad ng trapiko ay normal na araw-araw…walang itong holiday. Sa mga ordinaryong mamamayan, bahagi na ito ng kanilang pang-araw-araw na laban sa buhay. Lalo pang matindi ang traffic kapag mayroong mga aksidente ng sasakyan at merong operasyon ang mga enforcers ng Land Transportation Office (LTO), Metro Manila Development Authority (MMDA), Philippine National Police at iba’t-ibang traffic enforcers ng Local Government Units (LGU).
Noong ika-8 ng Disyembre 2024, inihayag ng pamunuan ng L-T-O na kanilang paiigtingin ang presensiya ng kanilang enforcers sa mga major road sa Metro Manila dahil sa inaasahang pagdami ng mga sasakyan ngayong Christmas season. May magagawa kaya ang LTO na maibsan ang parusa ng mabagal na daloy ng trapiko sa mga commuters? o lalo silang makakadagdag sa problema? Ang katotohanan Kapanalig bukod sa mga aksidente sa daan dahil sa mga iresponsableng driver, nagkakaroon ng traffic gridlock kapag may hinuhuli ang iba’t-ibang traffic enforcers na mga lumalabag sa batas trapiko.
Bakit hindi nareresolba ng pamahalaan ang problema sa traffic? Sa pag-aaral ng STATISTICA, noong 2023; 2.38-milyong private utility vehicles (PUV) ang naka-rehistro sa Pilipinas habang 162,102-milyon naman ang mga Public Utility Vehicles (PUJ) ang nakarehistro.
Ayon sa pag-aaral, halos 130-hours ang nawawala sa mga drivers kada sa taon dahil sa matinding traffic sa Metro Manila at mas maraming oras ang nawawala sa mga ordinaryong mamamayan na sumasakay sa mga PUJ’s, buses at commuter trains. Kapanalig, sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency (JICA) noong taong 2023… 3.5-bilyong piso ang nawawala sa kaban ng bayan ng Pilipinas kada araw dahil lamang sa matinding trapiko na nararanasan sa Metro Manila. Nakakalungkot, ilang dekada na ang lumipas, ilang programa na ang ipinatupad upang maibsan ang problema sa trapiko, pero walang naging epektibo.
Sa mga street at highways sa Metro Manila, naitala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) noong 2023 sa 3.63-milyong sasakyan ang bumibiyahe.
Noong June 2023, naitala ng MMDA Traffic Engineering sa 425,890 na sasakyan ang dumadaan sa EDSA.
Iniulat din ng MMDA na 6,000 pribadong sasakyan ang nabibenta ng iba’t-ibang car manufacturers sa bansa kada buwan. Ibig sabihin Kapanalig, ang mga pribadong sasakyan ang dahilan o nagdudulot ng mabagal na trapiko lalu na sa Metro Manila. Dito pumapasok mga Kapanalig ang polisiya ng pamahalaan na pabor sa mga may kayayang makabili ng anumang uri ng sasakyan. Sa Singapore, epektibo ang kanilang “ 2 car policy” na maari sanang makaresolba sa problema ng Pilipinas sa traffic.
Kapanalig, binibigyan diin sa Compedium of the Social Doctrine of the Church ang Catholic Permanent Social teaching on Subsidriary (185) Governments, corporations, and other social entities should not be bigger or more powerful than they need to be in order to accomplish their legitimate purposes; and no higher authority should make any decision on behalf of a lower authority than the lower entity can responsibly make for itself”.
Sumainyo ang Katotohanan.