Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tunay na diwa ng EDSA I, hindi pa rin nakakamit dahil marami pa rin ang nagugutom at nagbebenta ng boto – Sr. Mananzan

SHARE THE TRUTH

 322 total views

Hindi pa rin nakamit ang tunay na diwa ng EDSA People Power I, 30 taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Sr. Mary John Mananzan, Founder at Executive Director ng Institute of Women’s Studies, ito’y dahil hindi pa rin nakamit ang tunay na demokrasya ng mamamayan o ng nakararami, ang pagkakaroon ng pagkain sa hapag-kainan.

“Kung may nangyaring mabuti, kulang, hindi lang kulang, sayang na sayang yung ibinigay sa atin na oportunidad ng Diyos, ang demokrasya dapat may basis, ang fundamental basis ng democracy is great majority of the people should have the basic necessities fulfilled, eh wala, may eleksyon man ibebenta ang boto kasi gutom sila.” Pahayag ni Sr. Mananzan sa programang Veritas Pilipinas ng Radyo Veritas.

Sinabi pa ng madre na sayang ang ibinigay na pagkakataon ng EDSA I ang demokrasya kung hindi ito nagagamit gaya na lamang na dapat ang pamahalaan ngayon ay nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

Dapat din aniya na ang mga tumatakbo sa posisyon sa pamahalaan ang iniisip ay ang mapagsilbihan ang tao at hindi para magnakaw sa kaban ng bayan.

“Dapat ang fundamental duty ng government to provide for the basic necessities of people, like ang housing transportation, dapat yan di na pinag-uusapan yan, bakit ang isang tao dapat mag run for office, kung paano mapagsisilbihan ang tao hindi para mangurap.” Pahayag pa ni Sr. Mananzan.

Kaugnay nito, sinabi ng madre na naipakita naman ng EDSA I ang spirit of unity na kapag magkakaisa magagawa ang lahat.

“Ang spirit noon we are all together in this, united tayo dito, and nakita ko pag united magagawa natin lahat, yan ang spirit of Edsa.” Ayon pa sa madre.

Nilabanan ng Edsa People Power revolution ang diktaduryang Marcos na sinasabing nakakuha ng 5 hanggang 10 bilyong dolyar mula sa kaban ng bayan na naitala pa sa Guinness Book of World Record habang sa panahon din nito noong Martial Law nasa 3,000 ang sinasabing pinaslang na mga taong hindi sumasang-ayon sa kanilang patakaran.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Premyo para sa mga kaalyado?

 5,467 total views

 5,467 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 18,325 total views

 18,325 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 92,626 total views

 92,626 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 148,355 total views

 148,355 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »

Mga sangandaan sa usapin ng enerhiya

 109,274 total views

 109,274 total views Mga Kapanalig, para kay Pangulong Bongbong Marcos Jr, kilalang-kilala raw tayo sa buong mundo dahil sa pagsusulong natin ng renewable energy. Sa kanyang

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Marian Pulgo

ConCon, ipinapanawagan ng isang mambabatas

 1,245 total views

 1,245 total views Nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party (NUP) chairman Ronaldo Puno sa pagsasagawa ng isang constitutional convention (ConCon) para muling pag-aralan at

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 93,266 total views

 93,266 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 119,080 total views

 119,080 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 152,058 total views

 152,058 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567