2,722 total views
Muling tiniyak ng Archdiocese of Manila ang paglingap sa bawat nasasakupan bilang pagsabuhay sa panawagang simbahang sinodal.
Alinsunod sa mensahe ni Pope Francis ngayong mga Mahal na Araw umapela ito sa bawat lider ng simbahan na paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa mamamayan upang mapalakas ang ‘listening at compassionate church.
Dahil dito tampok sa paghuhugas ng paa sa Huwebes Santo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na mahalagang bigyang tuon ng simbahan.
“During the Evening Mass of the Lord’s Supper at the Manila Cathedral, our dear Archbishop of Manila, Jose Cardinal Advincula, will wash the feet of those coming from different sectors who are in need of our attention and concern,” ayon sa pahayag ng arkidiyosesis.
Kabilang sa mga huhugasan ng paa sina:
Dr. Ryan B. Capitulo (LGBT community)
Mr. Raffy Tima (Media)
Atty. John Rex Laudiangco (Comelec)
Judge Caroline A. Rivera-Colasito (Judiciary)
Mr. Johhan Joseph Ararao (Intramuros Administration)
Mr. Cyril John Sunnga (Kalesa driver)
Mr. John Michael Roldan (Jeepney driver)
Mr. Manuel Jorge Manarang (Angkas rider)
Fr. Ernesto M. Panelo (Mission-station priest)
Sr. Liane Rainville, DW (Religious missionary)
Mr. Alberto A. Mandia (Farmer)
Ms. Iluminada Sta. Ana (Dumagat indigenous elder)
Gaganapin ang Washing of the Feet sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral sa alas singko ng hapon.
Sa pag-upo bilang ika – 33 arsobispo ng Maynila una nang tiniyak ni Cardinal Advincula ang pakikinig sa nasasakupan ayon sa kanyang episcopal motto na ‘Audiam’ bilang pagbibigay halaga at pagkilala sa mga pastol na ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.