“Whatever God want me to do, I will do it” – Bishop Labajo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,981 total reads

“Malipayon kong modawat sa maong assignment.”

Ito ang mensahe ni Cebu Auxiliary Bishop Ruben Labajo makaraang italaga ng Kanyang Kabanalan Francisco bilang kauna-unahang obispo ng Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur.

Sinabi ng obispo na higit nitong isasabuhay ang kanyang episcopal motto na ‘Humiliter Ambulare Coram Deo’ o ‘To walk humbly before the Lord’ dahil batid nitong kaakibat ng kanyang pagkatalaga ang hamong simulan ang bagong komunidad ng diyosesis.

“Whatever God wants me to do, I will do it, willingly and lovingly. Whatever is God’s will for me, wherever He wills me to go, I will go,” bahagi ng mensahe ni Bishop Labajo.

Ibinahagi ni Bishop Labajo nang tanggapin ang pagiging obispo noong June 2022 ay lubos nitong ipinagkatiwala sa Panginoon ang kanyang bokasyong maglingkod sa kawan na ipagkakatiwala sa kanyang pangangalaga.
Aniya ipinabatid ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang desisyon ng santo papa na pamunuan ang itinatag na ika – 87 diyosesis sa bansa noong October 7 kasabay ng kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo kaya’t tulad ng Mahal na Ina ay buong kababaang loob na tinanggap ni Bishop Labajo ang misyon.

“I would like to consider this as God’s will for me and I continue my journey walking humbly before God, entrusting my life to the care of the Blessed Mother, relying on the grace of God,” saad ni Bishop Labajo.

Pinasalamatan ng obispo ang paggabay ni Cebu Archbishop Jose Palma na bagamat dalawang taon pa lamang itong obispo ay unti unting nahahasa ang kanyang kakayahan sa mga gawaing pagpapastol.
2023 nang muling isulong ni Butuan Bishop Cosme Damian Almedilla ang paghahati ng diyosesis at itatag ang Diocese of Prosperidad upang higit mapaglingkuran ang pangangailangang pastoral at espiritwal sa halos kalahating milyong katoliko ng Agusan del Sur na 1/3 ng populasyon ay mga katutubo kaya’t itinuturing itong mission frontier na lugar.

Batay sa datos ng Catholic Hierarchy sa mahigit 700, 000 populasyon ng lalawigan halos 66 na porsyento rito ay mga katoliko sa 26 na mga parokya.

Humiling ng panalangin si Bishop Labajo sa kanyang tungkuling pangalagaan at palaguin ang kristiyanong pamayanan sa bagong tatag na diyosesis.

UNDAS 2026, generally peaceful

 32,386 total reads

 32,386 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 7,605 total reads

 7,605 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 56,853 total reads

 56,853 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 106,605 total reads

 106,605 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 265,799 total reads

 265,799 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 292,616 total reads

 292,616 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top