Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Writ of Kalikasan ng Korte Suprema sa pagmimina sa Sibuyan, pinuri ng ATM

SHARE THE TRUTH

 2,978 total views

Pinuri ng Alyansa Tigil Mina ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa ilegal na pagmimina sa Sibuyan Island, Romblon.

Ito ay ang inilabas na Writ of Kalikasan laban sa Department of Environment and Natural Resources, Mines and Geosciences Bureau, at Altai Philippines Mining Corporation (APMC) upang panagutin sa mga pinsala sa kalikasan dulot ng pagmimina.

Hakbang din ito ng Supreme Court upang tiyakin ang karapatan ng mamamayan ng Sibuyan Island sa pagkakaroon ng ligtas at malusog na kapaligiran.

Pinuri naman ni ATM national coordinator Jaybee Garganera ang mga residente ng isla dahil sa matatag na paninindigan laban sa mapaminsalang pagmimina.

Umaasa si Garganera na tuluyan nang makamit ng mga residente ng Sibuyan ang tuluyang pagpapawalang bisa sa kasunduan sa pagmimina ng APMC sa itinuturing na “Galapagos of Asia”.

“Their petition to the Supreme Court that has now yielded positive gains reinforces their firm resistance on the ground. We hope that in the coming days, their fight to protect the “Galapagos of Asia” would eventually result in the cancellation of Altai Mining’s Mineral Production Sharing Agreement (MPSA),” pahayag ni Garganera.

Tiniyak naman ng grupo ang patuloy na pagsuporta sa mga adhikain ng mamamayan ng Sibuyan upang tuluyang mapigilan ang anumang proyektong makasisira sa isla.

Nangako rin ang ATM na patuloy na ipagtatanggol ang karapatan ng kalikasan at mamamayan sa pamamagitan ng pakikipagdiyalogo sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at publiko laban sa negatibong epekto ng mapaminsalang pagmimina.

“We further vow to exhaust all possible actions, including support to legal remedies and policy measures, to end destructive mining in communities,” giit ni Garganera.

Magugunita noong Pebrero 3, 2023 nang bahagyang magkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga residente ng Sibuyan at APMC nang sapilitang dumaan sa barikada at nagresulta sa dalawang sugatang indibidwal.

Nananatili naman ang paninindigan ng Diocese of Romblon upang tutulan ang mapaminsalang pagmimina sa Sibuyan Island, at nangakong patuloy na isasabuhay at isusulong ang pagiging mabubuting katiwala ng sangnilkha ng Diyos.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 15,898 total views

 15,898 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 24,566 total views

 24,566 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 32,746 total views

 32,746 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 28,745 total views

 28,745 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 40,796 total views

 40,796 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,379 total views

 9,379 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,655 total views

 10,655 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 16,067 total views

 16,067 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top