Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Writ of Kalikasan sa pagmimina sa Mt. Mantalingahan, ikinagalak ng GLAP

SHARE THE TRUTH

 2,989 total views

Ikinagalak ng Green Livelihoods Alliance Philippines ang ipinataw na Writ of Kalikasan ng Supreme Court laban sa pagmimina sa bahagi ng Mt. Mantalingahan Protected Landscape sa lalawigan ng Palawan.

Ipinag-utos ito ng Korte Suprema sa Department of Environment and Natural Resources, Mines and Geosciences Bureau, Ipilan Nickel Corporation and Celestial Nickel Mining and Exploration Corporation (Celestial Mining) upang magbigay ng katibayan para mapawi ang mga alalahanin hinggil sa pinsalang maidudulot ng pagmimina sa iniingatang yaman.

Ayon kay Atty. Grizelda Mayo-Anda, founder ng Environmental Legal Assistance Center na miyembro ng GLA Philippines, magandang hakbang ito ng Korte Suprema upang mapagtuunan ang maaaring idulot na pinsala ng pagmimina sa kalikasan at mga residente ng Brooke’s Point, Palawan.

“The Supreme Court’s issuance of a Writ of Kalikasan involving the province of Palawan is a good precedent that recognized the possibility of serious and irreversible harm on the environment and inhabitants of Brooke’s Point located in the Mt. Mantalingahan Mountain Range as well as the significance of the forests and biodiversity of MMPL, and its value to areas outside of the province.” pahayag ni Anda.

Dagdag ni Anda, maaari din itong maging halimbawa para sa iba pang kasong may kaugnayan sa pagmimina, at mapangalagaan ang mga likas na yaman ng lalawigan.

Una nang naglabas ng Cease and Desist Order ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) laban sa Celestial Mining na hawak ng Ipilan Nickel Corporation, matapos ang panawagan ng mga katutubo upang ihinto ang lahat ng mining operation at iba pang iregularidad sa lalawigan.

Nanawagan na rin ang Apostolic Vicariates of Puerto Princesa at Taytay upang tuluyang mapahinto ang ilegal na operasyon ng Ipilan Mining dahil sa pinsala at kaguluhang idinulot nito sa kalikasan at buhay ng mga tao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 18,447 total views

 18,447 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 27,115 total views

 27,115 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 35,295 total views

 35,295 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 31,237 total views

 31,237 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 43,288 total views

 43,288 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,548 total views

 9,548 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,824 total views

 10,824 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 16,236 total views

 16,236 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top