2,139 total views
Itinakda ng Diocese of Antipolo ang pagsasagawa ng 2nd collection para sa mga biktima ng bagyong Tino at ng Super Typhoon Uwan sa iba’t ibang diyosesis dulot ng magkasunod na nanalasa sa bansa.
Ayon sa obispo ay kautusan ay isasagawa sa lahat ng nasasakupang parokya sa lahat ng mga misa sa November 16.
Layunin ng hakbang na maibsan ang pagdurusa ng mga biktima ng bagyo na marami ang nawalan ng tahanan, ari-arian, habang ang ilan ang nawalan ng mga mahal sa buhay.
Ayon pa kay Bishop Santos, “God is present — in the hands that help, in the tears that comfort, in the prayers that rise. Let us keep proclaiming this hope. Let our churches ring with songs of courage. Let our homilies speak.”
Sa bahagi ng Antipolo, kabilang sa ginagawa ng diyosesis ang paghahanda ng mga sasakyan at mga bangka upang magdala ng tulong, tulad ng pagkain, at gamot sa mga lugar na napinsala ng bagyo.
Bukas din ang mga kapilya, chapel at ilang institusyon ng Diocese ng Antipolo bilang pansamantalang masisilungan.
“When we see others helping despite their own struggles, it inspires us to do the same,” ayon kay Bishop Santos.
Sa pinakahuling ulat, aabot na sa higit isang milyong mga residente sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang naapektuhan ng bagyong Uwan, kabilang na ang Bicol region at Visayas na una na ring sinalanta ng bagyong Tino.
Sa bagyong Tino, tinatatayang higit sa dalawang daan ang nasawi, habang dalawa naman ang naitalang nasawi dulot ng Super Typhoon Uwan.




