Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

400-libong urban poor families, natulungan ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 42,752 total views

March 30, 2020, 2:15PM

Aabot na sa P400 milyon o 400-libong urban poor families ang nabigyan ng gift certificates sa pamamagitan nang pakikipagtulungan ng mga negosyante sa Caritas Manila.

Ayon kay Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila, ang mga gift certificate ay magagamit ng bawat pamilya para sa kanilang pangunahing pangangailangan lalu’t marami ang walang hanapbuhay dahil sa umiiral na ‘enhanced community quarantine’.

Unang nakalikom ng P1.5-bilyon ang top 20 business group sa Metro Manila na bahagi ng Philippine Disaster Resilience Roundation para magbahagi ng tulong sa urban poor community o ang Project Ugnayan.

“Tayo ay ginamit ng mga kumpanya para makapag-distribute ng mga gift certificates, ito ay mas mabilis na puwedeng gamitin. Kasi P1,000 bawat poor family na ating ipamumudmod sa bawat Parokya,” ayon kay Fr. Pascual.

Ayon kay Fr. Pascual, kabilang sa mga benepisyaryo ang 10 diyosesis sa Metro Manila kabilang na ang Diyosesis ng Bulacan, Antipolo, Laguna at Imus.

At bilang pagtugon sa social distancing policy, pinapayuhan ang mga benepisyaryo na hintayin na lamang sa kanilang tahanan ang mga parish priest sa kanilang Parokya.

“Kasi mahalaga na manatili ang ating physical distancing. At ang mga mahihirap ay hindi na kinakailangan na pumila. Hindi na nila kailangan pumunta sa simbahan. Ang simbahan ang pupunta sa kanila,” ayon kay Fr. Pascual.

Tinatayang may 50 milyong katao sa buong Luzon ang naapektuhan ng pinapairal na community quarantine kabilang na dito ang higit sa limang milyong manggagawa sa Metro Manila.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Promotor ng sugal

 9,547 total views

 9,547 total views Mga Kapanalig, kung kayo ay kawani ng gobyerno, ang pangunahing masasandalan ninyo sa panahon ng pangangailangan, lalo na sa pagreretiro, ay ang Government

Read More »

Premyo para sa mga kaalyado?

 24,258 total views

 24,258 total views Mga Kapanalig, inabangan ng mga grupong nagsusulong ng mga bagong batas o ng mga pagbabago sa ating mga batas kung sinu-sino ang mga

Read More »

Senadong tumalikod sa tungkulin

 37,116 total views

 37,116 total views Mga Kapanalig, 19 sa 24 na senador ang pumabor sa mosyón na i-archive o isantabi muna ang impeachment case ni Vice President Sara

Read More »

INTEGRIDAD SA PAGGAMIT NG PERA

 111,376 total views

 111,376 total views Unfair! Bakit sa Kongreso lang, hindi lang pala sa Kongreso nakakalat ang mga linta sa salapi o pera ng taumbayan o kabangbayan. Lahatin

Read More »

CONGRESSMAN NAHULING NAKA-ONLINE SABONG

 167,030 total views

 167,030 total views Huling-huli sa akto., lulusot pa rin! Kapanalig, ito ang katotohanan na nagaganap sa ating Kongreso na binubuo ng ating kapita-pitagang mga mambabatas mula

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 94,323 total views

 94,323 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 120,137 total views

 120,137 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 152,999 total views

 152,999 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
1234567