Episcopal coronation ng Our Lady of Guadalupe shrine, sinariwa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,671 total reads

Inihayag ni Fr. Raymund Owell Sadian ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Guadalupe sa Pagsanjan Laguna na isang biyaya ang pagkakatalaga ng simbahan bilang pandiyosesanong dambana.

Sa panayam ng Radio Veritas ibinahagi ng pari na mas lumago ang pananampalataya ng mamamayan sa lugar sa tulong at gabay ng Mahal na Ina makalipas ang isang dekada mula nang maitagang diocesan shrine ang parokya.

“Ang pagkakatalaga ng ating parokya bilang diocesan shrine ay isang biyaya at pagpapala…makikita po natin pagnanais ng mga tao lalo na po ng mga taga Pagsanjan na mapalapit kay Maria bilang ina ni Hesus,” pahayag ni Fr. Sadian sa Radio Veritas.

Bagamat century-old na ang parokya ay mas umigting ang debosyon sa Mahal na Birhen ng Guadalupe sa kasalukuyan kung saan bukod sa taga Pagsanjan ay dumadayo na rin sa lugar ang mga deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas lalo sa Luzon.

Tinuran ni Fr. Sadian na malaki ang naimbag ng debosyon sa Mahal na Birhen upang mapalalim ang pananampalataya ng mamamayan at higit na mailapit kay Hesus.

“Sabi nga po ‘to Jesus through Mary at nakikita ko na yun ay kanilang niyayakap at pinaniniwalaan…kung wala ang debosyon na ito ng Mahal na Birhen ng Guadalupe ay walang relasyon kay Hesus; we must know Mary to Know Jesus,” ani Fr. Sadian.

Samantala ibinahagi ni Lay Historian Andrew Luis Babaan na nagsimula ang debosyon sa Our Lady of Guadalupe sa lugar nang dumating si Franciscan missionary Fray Agustin de la Magdalena na nagkaloob ng imahe ng Mahal na Birhen ng Guadalupe mula Mexico.

“Doon sa isang maliit na gawain ni Fray Agustin dela Magdalena noong November 12, 1687 ay itinalaga ang Pagsanjan bilang pinakamatandang simbahan under the title of Our Lady of Guadalupe…from that po nagsimula ang pagdedebosyon ng mga taga Pagsanjan sa patrona ng Amerika,” ani Babaan.

Sinabi ni Babaan na Marso 1945 nang mapinsala ang simbahan sa World War II kabilang na ang orihinal na imahe ng Our Lady of Guadalupe na dinala ni Fr. Magdalena.

Sa kasalukuyan nakadambana sa simbahan ang dalawang imahe ng Our Lady of Guadalupe na likha ni Maximo Vicente at imaheng ipinagkaloob ng mga deboto mula sa Mexico.

Matatagpuan din sa dambana ang stone relic mula sa Tepeyac Hill, Mexico City kung saan nagpakita ang Mahal na Birhen kay Juan Diego gayundin ang replica ng ‘Tilma’.

Nitong December 12, 2022 pinangunahan ni Infanta Bishop Bernardino Cortes ang pagsariwa sa koronasyong episkopal ng imahe habang nagdiwang din ng Banal na Misa si San Pablo Bishop Buenaventura Famadio at Bishop Emeritus Leo Drona.

Kasalukuyang pinamumunuan ni Fr. Renie Oliver ang diocesan shrine katuwang si Fr. Sadian na bahagi ng Diocese of San Pablo sa pangangasiwa ni Bishop Famadico.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,111 total reads

 4,111 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,007 total reads

 28,007 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,567 total reads

 68,567 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,159 total reads

 95,159 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,425 total reads

 143,425 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,239 total reads

 164,239 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top