Isapuso, isabuhay ang pagiging deboto ng Poong Hesus Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,683 total views

Hinikayat ng rector ng Quiapo church na si Fr. Rufino Sescon, Jr. ang mga mananampalataya at deboto ng Nuestro Padre Jesus Nazareno na patuloy na isapuso at isabuhay ang pagiging mapagpakumbaba at mabuting tagasunod ng Diyos.

Ito ang pagninilay ni Fr. Sescon, rektor at kura paroko ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church sa ginanap na Midnight Mass bago ang Walk of Faith noong ika-8 ng Enero.

Ayon sa pari, hindi dapat magpalinlang ang tao sa mga makamundong bagay na nagiging dahilan upang maging mapagmataas sa kapwa at makalimutan ang pagiging mabuting tagasunod ng Panginoon.

Sinabi ni Fr. Sescon na matatagpuan at makakamtan lamang ng tao ang biyaya mula sa Diyos sa pamamagitan ng patuloy na pagtalima sa Kanyang mga kaloob sa sanlibutan.

“Kung nais mong matagpuan ang Diyos, tumingala ka sa kanya. Hindi tayo titingin sa mundo, hindi tayo titingin kung kani-kanino… Ang taong tumitingala, mapagkumbaba. Sapagkat inaamin niya, may Diyos na dakila. Nandyan si Jesus Nazareno.” bahagi ng pagninilay ni Fr. Sescon.

Tagubilin naman ni Fr. Sescon sa mga deboto ng Mahal na Poong Jesus Nazareno na patuloy lamang tanawin at sundan ang liwanag na taglay ni Kristo at simulan nang talikuran ang mga makamundong bagay upang makamtan ang kaluwalhatian ng langit.

“Higit pa sa sapat ang biyaya ni Hesus Nazareno. Kaya kailangan nating tumalikod. Mabigat ang kasalanan, pahirap ang kasamaan, sumpa ang kasinungalingan, katiwalian, karahasan, kawalan ng katarungan, hidwaan, kabastusan, gantihan–ang mga ito’y dapat nating iwan upang makapaglakbay tayo nang maayos patungo kay Jesus Nazareno.” ayon kay Fr. Sescon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 57,646 total views

 57,646 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 90,728 total views

 90,728 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 119,079 total views

 119,079 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 186,811 total views

 186,811 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 205,943 total views

 205,943 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top