Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

PNP Chief, nagpaabot ng pakikiramay at panalangin sa Turkiye quake victims

SHARE THE TRUTH

 2,207 total views

Nagpaabot ng pakikiramay at panalangin ang Philippine National Police sa mga biktima ng 7.8 magnitude earthquake sa Turkiye at Syria.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin, Jr., labis na nakakalungkot ang kalunos-lunos na sinapit ng mga biktima ng malakas na pagyanig kung saan umabot na sa higit 34-libong katao ang naitalang nasawi.

“Our hearts go out to those who were injured and all the families who have lost their loved ones. We stand in solidarity with them in these times of need,” bahagi ng pahayag ni Azurin.

Sinabi naman ni Azurin na patuloy ang pagsuporta ng pamahalaan ng Pilipinas upang mapadali ang search and rescue operations sa mga natabunan ng mga gumuhong gusali.

Gayundin ang pagpapadala ng mga tulong para sa pangangailangan ng mga higit na apektado ng sakuna.

“The Philippines is joining the other nations in offering aid and support to the affected communities,” ayon kay Azurin.

Noong Pebrero 8, 2023 ay nagtungo sa Turkiye ang nasa 87-uniformed personnel mula sa Armed Forces of the Philippines upang tumulong sa humanitarian aid mission.

Kabilang rin dito ang 31 kawani ng Department of Health at dala ang 16-toneladang medical supplies at medicines bilang tulong sa mga biktima.

Kaugnay nito’y umapela rin ng tulong at panalangin ang Aid to the Church in Need-Philippines para sa mga biktima ng malakas na lindol sa Turkiye at Syria.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 6,875 total views

 6,875 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 25,446 total views

 25,446 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 50,943 total views

 50,943 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 61,744 total views

 61,744 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 1,603 total views

 1,603 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 13,679 total views

 13,679 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567