Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pasko ng Muling Pagkabuhay: Pagtiyak na tuwinang kasama si Kristo sa ating paglalakbay

SHARE THE TRUTH

 1,858 total views

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na higit na palalimin ang pananampalataya kasabay ng pagdiriwang sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

Sa Easter Message ni CBCP-Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang muling pagkabuhay ni Hesus mula sa kadiliman ay paanyaya sa bawat isa na patuloy na magtiwala sa pangakong hatid ng Panginoon.

“Jesus, on the cross, gave us the assurance that we will never walk alone in our journey. On his triumph against death, he gave us the complete guarantee that beginnings are necessary and possible. We just need to have faith.” bahagi ng mensahe ni Bishop Bagaforo.

Iginiit ni Bishop Bagaforo na tinupad na ng Panginoong Hesukristo ang pangakong tutubusin ang sanlibutan mula sa kadiliman at kasalanan tungo sa Liwanag at kapayapaan.

Umaasa ang Obispo na ang pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng Panginoon nawa’y magbunsod sa mananampalataya na maging kasangkapan sa pagpapalaganap ng kapayapaan sa lipunan.

Gayundin ang pagpapatawad at patuloy na pagsisisi sa mga nagawang kasalanan upang higit na maisakatuparan ang pangakong kapayapaan ni Kristo.

“Get ready to share peace with everyone. Sa bahay, tulungan mo ang iyong mga kapatid sa gawaing-bahay. At work, learn to agree to disagree. On the streets, smile. Share an ounce of joy with anyone. Start your renewed journey with small things, subalit palagi, sapat at tapat.” ayon kay Bishop Bagaforo.

Patuloy na isinusulong ng simbahan ang Synod on Synodality na layunin ng Santo Papa Francisco upang hikayatin ang mga mananampalataya na makibahagi at sama-samang maglakbay bilang iisang simbahan tungo sa landas ni Hesus.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 9,130 total views

 9,130 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 27,701 total views

 27,701 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 53,161 total views

 53,161 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 63,962 total views

 63,962 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Jerry Maya Figarola

Caritas Manila calls for donation

 3,579 total views

 3,579 total views Nanawagan ang Caritas Manila sa mga Pilipinong mayroong bukal na kalooban na makiisa sa donation drive na kanilang isinasagawa upang tugunan ang pangangailangan

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

Sana ay mali kami

 13,907 total views

 13,907 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
1234567