Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

5-milyong Pilipino, apektado sa reclamation at dredging project sa Manila bay

SHARE THE TRUTH

 3,927 total views

Mahigit sa limang milyong Filipino ang apektado sa ginagawang reclamation at dredging sa Manila bay. Inihayag ni Fernando Hicap-pangulo ng Pambansang lakas ng Kilusang Mamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) sa panayam ng Radyo Veritas dahil sa patuloy na operasyon ng malalaking kompanya ay naisasantabi ang kabuhayan at pang araw-araw na buhay ng mga mangingisda at mga nakatira malapit sa coast line ng Manila Bay dahil lamang sa sinasabing pag-unlad.

Bukod pa ito sa mga manggagawa sa mga pantalan at transport sectors at kanilang pamilya na umaasa sa kabuhayan sa Manila Bay.

“Irreversible ang impact niya hindi na natin pwedeng ibalik kapag nakita natin na maliit yung ating ginagawa na tinabunan natin yung Manila Bay hindi po natin siya maibabalik,” ayon kay Hicap.

Dalawang taon na simula ng isagawa ang reclamation at dredging sa Manila na pumipinsala sa corals at mga lamang dagat na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao na naninirahan sa baybayin.

“From 2021 at ngayong taon halos 80% talaga yung total na production ng huli ng mga mangingisda ay nawala dahil nga dito sa tinambakan at pagsira ng bakuran natin pero napatunayan yan nung February 24, nagkaroon tayo ng diyalugo sa BFAR central office at isa sa pinag-usapan namin ay itong dredging na nagaganap sa Manila Bay,” dagdag pa ni Hicap.

Patuloy naman ang panawagan ng grupo sa pamahalaan na itigil na ang isinasagawang operasyon ng mga malalaking kompanya sa Manila Bay. Sa datos, mayroong 187-reclamation projects ang isinasagawa sa buong bansa kabilang na ang 22-proyekto sa Manila Bay.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MISALIGNED

 1,857 total views

 1,857 total views Nararapat ang pagsasanay ng mga guro ay naka-aligned sa reyalidad at pangangailangan ng mga modernong silid-paaralan sa bansa. Ngunit, natuklasan sa pag-aaral ng

Read More »

SONA

 20,428 total views

 20,428 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 45,977 total views

 45,977 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 56,778 total views

 56,778 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

12345

RELATED ARTICLES

Juan, itinalagang chairperson ng ERC

 34,649 total views

 34,649 total views Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Atty. Francis Saturnino Juan bilang chairperson Energy Regulatory Commission (ERC), epektibo sa August 8, 2025. Si

Read More »

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 15,385 total views

 15,385 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »
1234567