Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtalaga ni Pope Francis kay Archbishop Tonel, isang magandang regalo sa Archdiocese of Zamboanga

SHARE THE TRUTH

 2,199 total views

Ikinagalak ng Archdiocese of Zamboanga ang pagtalaga ni Pope Francis kay Archbishop-elect Julius Tonel na ikapitong arsobispo ng arkidiyosesis.

Ayon kay Zamboanga Administrator Bishop Moises Cuevas ang pagbibigay ng punong pastol sa arkidiyosesis ay tanda ng pakikiisa at paggabay ng Diyos sa paglalakbay ng halos isang milyong katoliko sa lugar.

“A new shepherd for Zamboanga is a sign of God’s enduring presence, which envelops us with His compassion and tenderness, as His paternal solicitude, His incarnational “synodality” and walking with us as Christ did with His disciples on Emmaus,” pahayag ni Bishop Cuevas sa Radio Veritas.

Sinabi ni Bishop Cuevas na ito ay magandang regalo sa pamayanang kristiyano ng Zamboanga na sede vacante ng isang taon dahil sa pagpanaw ni Archbishop Romulo Dela Cruz noong December 2021.
“This announcement is truly an Easter gift for the Zamboangueño people, as we continue responding to the call of lively faith, and, in response, in carrying out with enthusiasm the mission of charity, dialogue, and peacemaking,” ani ng obispo.

April 25 nang hirangin ang 66 taong gulang na obispo bilang punong pastol ng Zamboanga makaraan ang 16 na taong paninilbihan sa Diocese of Ipil.

Si Archbishop elect Tonel ay ipinanganak sa Davao City noong August 31, 1956 at naordinahang pari ng Archdiocese of Davao noong April 12, 1980.

Hinimok ni Bishop Cuevas ang mga Zamboangueño na ipanalangin si Archbishop-elect Tonel habang naghahanda sa kanyang pag-upo bilang pinunong pastol ng arkidiyosesis.

Pinasalamatan din nito ang mamamayan sa suportang ipinagkaloob habang itilaga ni Pope Francis na tagapangasiwa sa arkidiyosesis mula nang maging sede vacante.

“Permit me to be grateful also for the support and solidarity of the Zamboangueño Church with whom we walked with loving faith and hope amidst trial, pandemic, and the challenges that continue molding the Church as a pilgrim people,” saad ni Bishop Cuevas.

Si Archbishop-elect Tonel ang ikalawang obispo na itinalagang arsobispo ngayong taon kasunod ni Archbishop-elect Victor Bendico na itinalaga sa Archdiocese of Capiz.

Dalangin ni Bishop Cuevas sa bagong arsobispo ang paggabay ng Nuestra Señora La Virgen del Pilar sa kanyang pamamahala at pagpapastol sa mga Zamboangueño.

“To her prayers and protection too I entrust Archbishop-Elect Tonel, that he may courageously take upon the paternal role of shepherd, teacher, and custodian of the Zamboangueño Church as her Archbishop “in spirit and in truth” dagdag ni Bishop Cuevas.

Sa kasalukuyan lima ang sede vacante sa bansa ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, Gumaca, Ipil, at ang Apostolic Vicariate of Calapan sa Oriental Mindoro.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

SONA

 17,058 total views

 17,058 total views STATE OF THE NATION ADDRESS (SONA)… Ito ay pag-uulat sa bayan ng pangulo ng Pilipinas taon-taon. Sa SONA, dapat inilalatag o ipinapaalam ng

Read More »

Para saan ang confidential funds?

 42,658 total views

 42,658 total views Mga Kapanalig, inanunsyo kamakailan ng mayor ng Capas, Tarlac na hindi na isasama ng kanyang opisina ang confidential funds sa annual budget ng

Read More »

Atin ang West Philippine Sea!

 53,540 total views

 53,540 total views Mga Kapanalig, noong Hulyo 12, ginunita natin ang ikasiyam na anibersaryo ng pagkapanalo ng Pilipinas sa UN Arbitral Ruling ukol sa ating soberanya

Read More »

GEN Z PROBLEM

 89,622 total views

 89,622 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »
12345

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Michael Añonuevo

Sana ay mali kami

 10,391 total views

 10,391 total views Ito ang mariing pahayag ni Diocese of Lucena Ministry on Ecology director, Fr. Warren Puno, habang pinagninilayan ang sunod-sunod na sakuna at kalamidad

Read More »
12345

RELATED ARTICLES

1234567