Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Big brother-Small brother strategy ng DENR, tinutulan ng Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

 2,268 total views

Tinutulan ng social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang planong “big brother-small brother” strategy ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa sektor ng pagmimina sa bansa.

Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang plano ng DENR ay pansamantalang solusyon lamang at hindi ganap na matutugunan ang pinagmumulan ng mga suliranin tungkol sa pagmimina sa Pilipinas.

“Large mining companies are motivated by profit, and they will only be willing to help small-scale miners for as long as it is profitable for them to do so. Once the profits start to dry up, they will likely abandon the small-scale miners, leaving them in a worse position than they were before,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Naunang inilarawan ni DENR Secretary Tony Yulo-Loyzaga na ang binabalak ng ahensya ay makakatulong upang mapalakas ang mga small-scale miners at mapahusay ang katatagan ng mining communities.

Bagay na kinontra ni Bishop Bagaforo dahil mabibigyan pa lalo ng pagkakataon ang mga malalaking kumpanya na ipagpatuloy ang mining operations sa bansa habang patuloy na naghihirap ang mga apektadong pamayanan.

“The big players will continue to extract resources from the communities without giving anything back in return,” ayon sa Obispo.

Iminungkahi naman ng Obispo na sa halip na ipatupad ang “big brother-small brother” strategy, makabubuting suportahan na lamang ng DENR ang pagpapatupad ng mining moratorium sa bansa; at pagsasabatas sa Alternative Minerals Bill na magsusulong para sa ‘sustainable use of mineral resources’.

Gayundin ang pagsasabatas sa Rights of Nature Bill na mas magbibigay ng pagkakataon upang kilalanin ang karapatan ng kalikasan at ecosystem ng bansa.

“We believe that these measures are necessary to protect the environment and the people from the destructive effects of mining,” saad ni Bishop Bagaforo.

Naunang kinundena ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang plano ng DENR

Read: https://www.veritasph.net/big-brother-small-brother-strategy-ng-denr-kinundena-ng-obispo-ng-bataan/

Napag-alaman sa ulat ng Mining Industry Coordinationg Council na ang sektor ng pagmimina at quarrying ay nag-aambag lamang ng isang porsyento sa Gross Domestic Product ng bansa.
Sa kasalukuyan, nasa 44 ang bilang ng mining company sa Pilipinas kung saan 37 rito ang nagsasagawa ng operasyon.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 12,726 total views

 12,726 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 21,395 total views

 21,395 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 29,575 total views

 29,575 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 25,619 total views

 25,619 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,670 total views

 37,670 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,153 total views

 9,153 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,430 total views

 10,430 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,842 total views

 15,842 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top