Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kaligtasan ng mamamayan, panalangin ni Bishop Cabajog sa pinangangambahang super typhoon

SHARE THE TRUTH

 1,176 total views

Ipinapanalangin ni Surigao Bishop Antonieto Cabajog ang kaligtasan ng bansa mula sa binabantayang Super typhoon na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility.

Ito ay ang bagyong may international name na Mawar at tatawaging bagyong Betty kapag nakapasok na sa PAR.

Ayon kay Bishop Cabajog, patuloy nawang gabayan ng Panginoong Hesus ang bansa mula sa pinangangambahang bagyo, at iligtas ang bawat isa mula sa anumang pinsalang maidudulot nito sa mga buhay at ari-arian.

“Heavenly Father, before His ascension to heaven, Jesus promised to be with us until the end of age. We are never left orphans because He is Emmanuel, God with us. Threatened by another super-typhoon, we come before you in complete trust that no harm would befall us. May Jesus, who calmed the storm and exhorted His apostles “not to be afraid,” be our strength to see us through. Amen,” panalangin ni Bishop Cabajog mula sa panayam ng Radyo Veritas.

Dalangin din ni Bishop Cabajog na hindi na maulit ang naranasan ng lalawigan ng Surigao del Norte nang manalasa ang Super Typhoon Odette noong Disyembre 2021.

Lubhang napinsala ng Bagyong Odette na may international name na Super Typhoon Rai ang mga isla sa Visayas at Mindanao na nagdulot ng malawakang pagbaha, pagguho ng lupa, at pinsala sa mga tahanan ng nasa 7.8 milyong populasyon sa 11-rehiyon sa bansa.

Batay sa huling ulat ng PAGASA, huling namataan ang mata ng Typhoon Mawar sa layong 2,215 kilometrong Silangan ng Visayas, taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 185 kilometro kada oras malapit sa gitna, at pagbugsong aabot sa 230 kilometro kada oras habang mabagal na binabagtas ang direksyong pa-hilagang kanluran.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Transport Reforms

 12,900 total views

 12,900 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 21,568 total views

 21,568 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

Sagrado ang ating boto

 29,748 total views

 29,748 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Kinabukasan

 25,787 total views

 25,787 total views Tayong mga Filipino at katoliko ay nahaharap sa dalawang halalan… ang Conclave of 133 Cardinals na pipili sa magiging bagong Sumpreme Pontiff (Santo

Read More »

Makabagong Makapili?

 37,838 total views

 37,838 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Mga katutubo, nagpapasalamat kay Pope Francis

 9,161 total views

 9,161 total views Ipinahayag ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines–Episcopal Commission on Indigenous Peoples (CBCP-ECIP) ang taos-pusong pagkilala ng mga katutubo kay Pope

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

“He is heaven’s gain.”

 10,438 total views

 10,438 total views Ito ang naging mensahe ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao kaugnay sa pagpanaw ng punong pastol ng Simbahang Katolika, Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Health
Michael Añonuevo

Code white alert, ipinatupad ng DOH

 15,850 total views

 15,850 total views Ipinatupad ng Department of Health ang Code White Alert bilang bahagi ng paghahanda at babantay sa ligtas at malusog na paggunita ng Semana

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top