BEC, kinilala ng opisyal ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,771 total reads

Kinilala ng opisyal ng simbahan ang tungkulin ng munting pamayanan sa pagpapatatag ng misyon ng simbahan.

Ayon kay Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona malaki ang tungkulin ng Basic Ecclesial Communities o BEC sapagkat dito makikita ang pagkakilanlan ng bawat kasapi ng kristiyanong pamayanan.

“Ang simbahan ay hindi lamang ang masa o ang maraming tao kundi mga konkretong mga tao na kilala ang isa’t isa…at ito ay nangyayari at nagagampanan sa pamamagitan ng isang munting pamayanang kristiyano o Basic Ecclesial Community kaya ito ay tinatawag na isang bagong pamamaraan ng pagiging simbahan.” bahagi ng mensahe ni Bishop Mesiona.

Giit ng obispo na sa tulong ng BEC ay napapaigting ang misyon ng simbahan sa bawat pamayanan upang makamit ang simbahang nagbubuklod sa paglalakbay tungo kay Hesus.

Sa nagdaang pandemya kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang BEC dahil sa ginampanang tungkuling pinanatiling buhay ang simbahan sa kabila ng lockdown na ipinatupad sa buong mundo.

Sa isang pahayag ni Cagayan De Oro Archbishop Jose Cabantan ang chairman ng CBCP-BEC, bagamat naging sarado ang mga bahay dalanginan mas tumibay ang pananampalataya at ugnayan ng tao sa Panginoon dahil sa pagsisikap ng BEC na ipagpatuloy ang gawain sa kapitbahayan.

Dahil dito iginiit ni Bishop Mesiona na ang BEC ang isang instrumento ng simbahan upang abutin ang nasasakupan lalo na sa mga kanayunan.

Kasabay ng pagdiriwang ng Holy Trinity Sunday ay ipinagdiwang ng bansa ang BEC Sunday upang bigyang diin ang munting pamayanang nagsisikap para itaguyod ang misyon ni Hesus sa lipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 200,626 total reads

 200,626 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 228,303 total reads

 228,303 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 262,424 total reads

 262,424 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 318,828 total reads

 318,828 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top