Peace envoy ng Santo Papa, nakipagpulong sa mga opisyal ng Ukraine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,094 total reads

Kasalukuyang nasa Ukraine si Italian Episcopal Conference President, Bologna Archbishop Cardinal Matteo Maria Zuppi upang makipagpulong sa mga opisyal ng bansa.

Sa pahayag na inilabas ng Vatican nitong June 5 at 6 ng manatili si Cardinal Zuppi sa Kyiv bilang kinatawan ng Santo Papa Francisco.

Layunin ng pagbisita ng opisyal na alamin ang kalagayan ng bansa makalipas ang isang taong pakikipaglaban sa pananakop ng Russia.

“The main aim of this initiative is to listen in depth to the Ukrainian authorities on the possible ways to achieve a just peace and to support gestures of humanity that help to ease tensions.” bahagi ng pahayag ng Vatican.

Matatandaang May 13 nang makipagpulong si Ukraine President Volodymyr Zelenskiy kay Pope Francis sa Vatican kung saan tinalakay ang kalagayan ng bansa at mga posibleng hakbang na makatulong ang simbahan sa pagpapahinto ng hidwaan.

Hiniling ni Zelenskiy na suportahan ng santo papa ang peace plan na nanawagang umalis ang puwersa ng Russia at wakasan ang karahasan sa Ukraine.

Nauna nang sinabi ng Vatican ang humanitarian assistance sa Kyiv kabilang na ang repatriation ng mga kabataan sa Ukraine kung saan tinatayang halos 20, 000 mga bata ang dinala sa Russia at Russian-occupied Crimea.

Si Cardinal Zuppi ay kasapi ng Rome-based peace and justice group ng Sant’ Egidio Community na aktibo sa ilang peace negotiations noong lalo sa Africa at naging daan upang mawakasan ang civil war sa Mozambique noong 1992.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 37,249 total reads

 37,249 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 59,448 total reads

 59,448 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 95,948 total reads

 95,948 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 316,575 total reads

 316,575 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 349,062 total reads

 349,062 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top