Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP, nagtalaga ng Vice-Rector sa Pontificio Collegio Filipino

SHARE THE TRUTH

 2,214 total views

Nagtalaga ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ng Vice-Rector at Oeconomus sa Pontificio Collegio Filippino sa Roma.

Ayon kay PCF Rector Fr. Gregory Ramon Gaston, itinalaga ng CBCP si Fr. Marvin Tabion mula sa Archdiocese of Jaro bilang katuwang sa pangangasiwa sa tinaguriang ‘Home in Rome’ng mga paring diyosesano na nag-aaral sa Roma.

“Fr. Marvin will assist the Rector and take charge of the Collegio’s material, personnel and financial concerns,” pahayag ni Fr. Gaston sa Radio Veritas.

Ang 45-taong gulang na pari na 15 taong naglingkod sa simbahan ay nagtapos ng kanyang Licentiate in Leadership and Management sa Pontificial Gregorian University in Rome.

Malugod na tinanggap ni Fr. Gaston kasama sina PCF Spiritual Director Fr. Andrew Recepcion ng Archdiocese of Caceres, mga pari, madre at laykong naninirahan sa Pontificio Collegio Filippino ang pagtalaga ng CBCP kay Fr. Tabion.

Ang appointment letter ay nilagdaan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ang kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines batay na rin sa rekomendasyon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang chairman ng CBCP – Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filippino.

Taong 1961 nang basbasan ni St. John XXIII ang PCF kung saan habilin nitong maging lugar ng paghuhubog ang gusali para sa higit na paglago ng karunungan na makatutulong sa misyon ng bilang pastol ng simbahan sa Pilipinas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 23,745 total views

 23,745 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 31,845 total views

 31,845 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 49,812 total views

 49,812 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 78,891 total views

 78,891 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 99,468 total views

 99,468 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,849 total views

 4,849 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,456 total views

 10,456 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,611 total views

 15,611 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top