Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagbisita ni Pope Francis sa Mongolia, inaasahang magdudulot ng kapayapaan sa East Asia

SHARE THE TRUTH

 2,372 total views

Nagpapasalamat ang Pax Romana International Movement of Catholic Students (IMCS) at International Catholic Movement for Intellectual and Cultural Affairs (ICMICA) Asia Pacific sa Kanyang Kabanalan Francisco sa pagbisita sa Mongolia mula August 31 hanggang September 4, 2023.

Inihayag ng dalawang grupo na ang presensya ng Santo Papa ay napakahalaga hindi lamang sa Mongolia kundi sa buong Asya na nahaharap sa iba’t-ibang suliranin sa kasalukuyan.

“Your presence in Mongolia holds a special significance, particularly given the escalating political tensions and conflicts in the East Asia region notably on the Korean peninsula, Taiwan Strait and territorial disputes in the sea in Southeast Asia.” bahagi ng pahayag ng IMCS at ICMICA.
Ayon sa mga grupo, ang presensya ng Santo Papa ay nakapagdudulot ng kapayapaan at pagkakaisa lalo na sa panahon ngayon.

“In these times of heightened need for harmony, your role as an apostolic messenger of peace is more crucial than ever before.” dagdag ng grupo.

Pinuri din ng IMCS at ICMICA ang pagkakahirang sa Seoul, Korea bilang lugar na pagdarausan ng World Youth Day 2027.

Naniniwala itong ang ikalawang WYD na gaganapin sa Asya ay magiging makasaysayan at tunay na napakahalaga para sa Mongolia at sa buong Hilagang-silangang Asya upang maipakita ang pagbubuklod ng mamamayan ng iba’t-ibang bansa na walang galit, poot, o takot sa puso ng bawat isa.

Umaasa ang IMCS at ICMICA na ang muling pagdating ng isang Santo Papa sa Hilangang-Silangang Asya ay magtataguyod ng kapayapaan at pagkakasundo sa rehiyon na matagal nang nabahiran ng hindi pagkakasundo ng mga bansa.

“This historic visit of Your Holiness in Northeast Asia, with hopes of visit to China and North Korea in the not-so-distant future, holds the promise of promoting peace and reconciliation in a region marred by enduring conflicts, notably those encompassing the Korean Peninsula and the Taiwan Strait, as well as the sea between China and Southeast Asian countries,” pahayag ng grupo

Ang bansang Mongolia ay nakilala sa pagiging payapa, pagkakaroon ng mataas na pagpapahalaga sa kalikasan at pagiging nuclear weapon-free na bansa.
Ito ay may tinatayang 3.4million na populasyon kung saan ang mga katoliko ay 0.04% lamang nito na umaabot sa 1,450 mananampalataya.

(With Yana Villajos)

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 25,019 total views

 25,019 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 33,119 total views

 33,119 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 51,086 total views

 51,086 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 80,150 total views

 80,150 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 100,727 total views

 100,727 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Mananampalataya, inaanyayahan sa JAFF

 4,976 total views

 4,976 total views Inaanyayahan ng Archdiocese of Jaro ang mananampalataya sa ikalimang Jaro Archdiocesan Film Festival (JAFF) sa nalalapit na pagdiriwang ng Jubilee for World Communications

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 10,583 total views

 10,583 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »
Cultural
Norman Dequia

Walang kandidato sa Conclave-Cardinal David

 15,738 total views

 15,738 total views Nilinaw ni Kalookan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David na walang mga partikular na kandidato sa gagawing conclave kasunod ng pagpanaw ni Pope Francis.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top