Makikilahok na Youth Council members ng Simbahan sa BSKE, pinaalalahanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,602 total reads

Pinaalalahanan ng Cebu Archdiocesan Commission on Youth ang mga kabataang makibahagi sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na sundin ang mga panuntunan sa Youth Council Members Running for Government Positions.

Ayon kay Archdiocesan Youth Director Fr. Andrei Ventanilla, layunin ng mga panuntunang mabigyang panahong tutukan ang pagsisilbi sa bayan.

“These guidelines are our way of preventing them from having conflicts of interest, thus giving them an avenue to focus on their role as public servant-leaders who will serve God by serving their country through their own localities,” pahayag ni Fr. Ventanilla.

Isinasaad sa Section I Rule V of the Instruction 01-2022 na nararapat itong sundin ng mga kabataang naghahangad maglingkod sa bayan:
a. Any youth in government elected official can hold position only in the Pastoral Committee;
b. Any Council Officer who seeks government office must observe a mandatory leave from office during the election campaign period; that is, from October 19 – 28, 2023, as stated in the Resolution No. 10902 entitled 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections.
c. In case any Council Implementation Committee Officer is elected in a government office, he or she is required to resign from his or her council position but may still continue to be a member of the council.

Gayunpaman, binigyang diin ni Fr. Ventanilla na hindi ito nangangahulugang pinagbabawalang maglingkod sa simbahan ang sinumang council officer na maihalal sa eleksyon sa October 30.

Nilinaw ng pari na karapatan ng isang tao ang makilahok sa halalan dahil ito ay bahagi ng basic rights bilang Pilipino subalit pinaalalahanang huwag gamitin ang simbahan sa pansariling interes.

“Please also remind them not to use their service in the Church to their own advantage,” giit ni Fr. Ventanilla.

Nanawagan naman ang pari sa mamamayan na patuloy ipanalangin ang mga tatakbo sa halalang pambarangay lalo na ang mga kabataan lalo’t ito ang inaasahang magsusulong ng mga pagbabago sa kapakinabangan ng lahat.

Nagsimula ang election period noong August 28 sa paghahain ng kandidatura subalit itinakda ng Commission on Elections sa October 19 hanggang 28 ang panahon ng pangangampanya.

Kapwa nanawagan si Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo at Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc sa mga servant leader’s ng simbahan na tumakbo sa halalang pambarangay at pangkabataan upang maipadama ang tunay na paglilingkod na nakaugat sa mga turo ni Kristo.

UNDAS 2026, generally peaceful

 16,496 total reads

 16,496 total reads Itinuturing ng Manila Police District na generally peaceful ang paggunita ng Undas 2026 sa apat na pangunahing sementeryo sa Maynila, kung saan umabot

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Angry nerds

 29,889 total reads

 29,889 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 79,641 total reads

 79,641 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 238,834 total reads

 238,834 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 265,995 total reads

 265,995 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 298,871 total reads

 298,871 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top