Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Partnership sa pagitan ng CHED at China, pinapawalang bisa ng isang mambabatas

SHARE THE TRUTH

 1,466 total views

Tinututulan ni Cagayan de Oro 2nd district Representative Rufus Rodriguez ang partnership sa pagitan ng Commission on Higher Education at mga pamantasan sa China.

Iginiit ni Rodriguez na dapat isantabi ang nilagdaang partnership sa pagitan ng China at ni CHED commissioner Prospero de Vera, lalo’t patuloy ang ginagawang paniniil sa Pilipinas kaugnay sa West Philippine Sea.

“The CHED, particularly Chairman Prospero de Vera, should cancel those partnerships. While we have been protesting against continuous Chinese aggression in the West Philippine Sea, here we have the CHED going the opposite direction by engaging with Chinese universities,” ayon kay Rodriguez.

Paliwanag pa ng mambabatas, ang pakikipag-unayan ay tila maling mensahe na hindi nagkakaisa ang bansa sa paninindigan laban sa panggigipit ng China, lalo na ang pagtataboy sa mga sundalo at mangingisda sa islang pag-aari ng Pilipinas.

Nagpahayag din ng suporta si Rodriguez sa ginawa ng sandatahang lakas na pagpapahinto sa pagpapadala ng mga sunndalo sa China para mag-aral, pagsasanay at pagbisita.

“We cannot have a frenemy and a bully joining us in watching over our own backyard, on which it has encroached and it does not want to leave despite our repeated protestations and arbitral victory,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa halip na sa China, hinimok ng mambabatas si De Vera na makipag-ugnayan at makipagtulungan sa mga unibersidad sa Estados Unidos, Japan, South Korea, Australia at iba pang mga bansang kaalyado ng bansa.

Giit pa ni Rodriguez, ang mga nabanggit na bansa ay una na ring nagpahayag ng pakikiisa at pagkilala sa pagmamay-ari ng bansa sa pinagtatalunang teritoryo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sagrado ang ating boto

 28,851 total views

 28,851 total views Mga Kapanalig, ilang tulog na lang, eleksyon na. Isang pakiusap sa lahat ng boboto: kilatising mabuti ang mga kandidatong tatanggap ng ating matamis

Read More »

Makabagong Makapili?

 36,951 total views

 36,951 total views Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa mga Makapili? Noong World War II, may isang grupong binuo sa tulong ng mga Hapon upang tulungan

Read More »

Saganang eleksyon sa bayang kapos

 54,918 total views

 54,918 total views Mga Kapanalig, bago pa man magsimula ang official campaign period para sa eleksyon 2025, gumastos na ang mga kandidato ng mahigit 10 bilyong

Read More »

Busugin ang mga kumukulong tiyan

 83,951 total views

 83,951 total views Mga Kapanalig, huling araw na ng Abril! Alam n’yo ba na ipinagdiriwang ang Filipino Food Month sa buwang ito? Sa iba’t ibang lugar

Read More »

Pekeng sakripisyo

 104,528 total views

 104,528 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top