Kaliwanagan ng isip ni Pura Luka Vega, panalangin ng Hijos del Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,070 total reads

Ipananalangin ng Hijos Del Nazareno Central ang kaliwanagan ng isip ni Pura Luka Vega o Amadeus Fernando Pagente.

Ito ang mensahe ni Alex Irasga ang Technical Adviser ng grupo sa pagkaaresto sa drag queen sa kasong paglabag sa Article 201 of the Revised Penal Code – immoral doctrines, obscene publications and exhibitions, and indecent shows at Cybercrime Prevention Act of 2012 kaugnay sa drag performance na pag-awit ng punk rock remix version ng ‘Ama Namin’.

Umaasa si Irasga na lubos na pagsisihan ni Pagente ang kalapastanganang ginawa sa Panginoon lalo’t bukod sa pagkanta sa Ama Namin ay nakasuot ito ng damit tulad ng kasuotan ng Nuestro Padre Jesus Nazareno.

“Ipapanalangin po namin na sana ay makakita ng kaliwanagan si G. (Amadeus) Pagente sa mga kasong kanyang kinakaharap kaugnay ng kanyang paglapastangan sa kabanalan ng ating Panginoon,” pahayag ni Irasga sa Radio Veritas

October 3, alas kuwatro ng hapon ng isilbi ng mga kawani ng Manila Police District’s (MPD) Sta. Cruz station sa pangunguna ni Maj. Billy Ray Canagan ang arrest warrant laban kay Pagente na inilabas ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 36.

Hindi dumalo sa mga pagdinig si Pagente sa kasong isinampa ng Hijos del Nazareno-Central at iginiit na hindi ito nakatanggap ng anumang subpoena hinggil sa kaso.

Nanindigan si Irasga na sa pagsimula ng kaso ay ipinaubaya na ng grupo sa justice system ng bansa ang paglilitis kay Pagente.

Bukod sa kasong isinampa ng mga deboto ng Poong Hesus Nazareno ay nagsampa rin ng reklamo ang evangelical group na Philippines for Jesus Movement.

Pinapayagan naman na magbayad ng piyansa si Pagente na itinakda ni Manila RTC Branch 36 acting presiding Judge Czarina Encarnacion Samonte-Villanueva na nagkakahalaga ng P72, 000.

Patuloy pa ring iginigit ni Pagente na ‘expression of faith’ ang kanyang ginawang pagtatanghal ay nanindigan naman si CBCP Public Affairs Executive Secretary Fr. Jerome Secillano na isang paglapastangan sa Panginoon ang kanyang ginawa dahil ang mga panalangin ay nararapat ipahayag nang may ibayong paggalang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 166,662 total reads

 166,662 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 196,775 total reads

 196,775 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 230,898 total reads

 230,898 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 287,304 total reads

 287,304 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top