Namayapang chairman ng CBCP-BEC, pinuri

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,489 total views

Pinuri ni Digos Bishop Guillermo Afable ang namayapang si Pagadian Bishop Ronald Lunas sa pagiging mabuting pastol sa kawang ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.

Ayon kay Bishop Afable, naging tapat ang namayapang obispo sa kanyang tungkulin at isinabuhay ang diwa ng pagmimisyon ni Hesus sa sanlibutan.

“He is true and faithful shepherd of his flock according to the Heart of Jesus, in Digos and Pagadian,” pahayag ni Bishop Afable sa Radio Veritas.

Batay sa ulat pumanaw si Bishop Lunas nitong January 2 ganap na alas 8:28 ng umaga habang nasa intensive care unit ng Southern Philippines Medical Center Heart Institute sa Davao City matapos ang heart bypass operation noong December 28.

Si Bishop Lunas ay ipinanganak noong November 27, 1966 sa Magsaysay Davao del Sur, nagtapos ng philosophy at theology sa dating Saint Francis Xavier College Seminary na ngayon ay Saint Francis Regional Major Seminary sa Davao City.

Inordinahang pari noong April 7, 1992 at makalipas ang halos tatlong dekada sa pagiging pari ng Diocese of Digos itinalaga ito ni Pope Francis bilang ikalimang obispo ng Diocese of Pagadian noong November 22, 2018.

Inordinahang obispo ni Bishop Afable noong February 2019 at pormal na naitalaga sa Pagadian noong Marso ng kaparehong taon.

Ang 57 taong gulang na si Bishop Lunas ay ipinagmalaki ng Diocese of Digos bilang kauna-unahang homegrown bishop sa kanilang lugar.

Nakatakdang ihatid sa huling hantungan si Bishop Lunas sa January 11 kasunod ng banal na misa sa alas 9:30 ng umaga sa Sto. Nino Cathedral sa Pagadian City at ihimlay ang kanyang mga labi sa crypt ng cathedral.

Bukod sa Diocese ng Pagadian, may walo pang diyosesis ang sede vacante kabilang na ang mga diyosesis ng Alaminos, Baguio, Balanga, Catarman, Gumaca, Ipil, San Pablo at Tarlac.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 56,094 total views

 56,094 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 51,963 total views

 51,963 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 88,165 total views

 88,165 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 96,586 total views

 96,586 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 121,235 total views

 121,235 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top