Katarungan sa Pamplona massacre, apela ng Diocese of Dumaguete

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 23,205 total views

Muling umapela ang Diocese of Dumaguete sa pamahalaan na paigtingin ang pagresolba sa kaso ng Pamplona Massacre na ikinasawi ni Pamplona, Negros Oriental, Governor Roel Degamo at siyam na iba pang indibidwal.

Sa unang anibersaryo ng insidente nitong March 4, binigyang diin ni Bishop Julito Cortes na hindi pa ganap ang katarungang nakamit ng mga biktima gayundin ang patuloy na pamamayani ng takot at pagkakahati-hati ng mamamayan.

Let us renew our support for and appeal to local and national government authorities to continue working for the full resolution of this case, that truth, justice, and genuine peace may reign again this year (2024) in Negros Oriental,” ani Bishop Cortes.

Ayon kay Bishop Cortes bagamat unti-unting nanumbalik sa normal ang sitwasyon sa lalawigan lalo na ang paghahanda sa nalalapit na 2025 mid-term elections ay marami pa ring naghahangad ng tunay na katarungan at kapayapaan sa rehiyon.

Some of the suspects may have been arrested, cases may have been filed, and several decisions have been made. But the resolution is not yet in sight. And what have been done so far are not enough to quench our thirst for lasting peace,” ani ng obispo.

Patuloy na pinaghahanap ng batas ang itinuturong mastermind sa krimen na si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves na hinihinalang nagtatago sa ibayong dagat.

Nitong February 8, 2024 ay ipinag-utos ng Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 51 sa Department of Foreign Affairs (DFA) na kanselahin ang passport nito kasabay ang apela sa ahensya at sa National Bureau of Investigation sa mga hakbang na mapauwi sa Pilipinas si Teves.

Agosto 2023 nang ituring na terorista si Teves ng Anti-Terrorism Council (ATC).

Kabilang naman sa nahuling suspek na sinampahan ng kaso sina Joric Labrador na dating army na taga Cagayan De Oro; Ex-army ranger Joven Aber ng Robles, Castellana, Negros Occidental; Benjie Rodriguez ng Mindanao; at ex-army Osmundo Rivero ng Zamboanga City habang napaslang naman sa hot pusuit operation ang isang suspek na si Arnil Labradilla na hinihinalang dating kasapi ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Nag-alay ng panalangin si Bishop Cortes sa kapayapaan ng kaluluwa ng mga biktima ng Pamplona massacre noong March 4, 2023.

Today, as we offer prayers for the eternal rest of the souls of those who perished through that evil act on March 4, 2023, in Pamplona, let us also pray for the strength of their bereaved families, for the healing of other victims, and for the conversion of hearts of the perpetrators and their masterminds,” giit ni Bishop Cortes.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 61,611 total views

 61,611 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 57,480 total views

 57,480 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 93,682 total views

 93,682 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 101,882 total views

 101,882 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 126,068 total views

 126,068 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top