Ipakilala, ipakita at ipagmalaki ang Mahal na Ina.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 10,509 total views

Ito ang mensahe ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa nalalapit na Pontifical coronation ng Nuestra Señora de Fatima de Marikina sa May 12 kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day.

Ayon kay Bishop Santos, isang natatanging huwaran ang Mahal na Birhen sa kanyang kababaang loob na sumunod sa kalooban na maging ina ni Hesus.

“Ipakilala, ipakita at ipagmalaki ang ating Mahal na Ina, ang Birhen ng Fatima na tanda ng ating pagmamahal, tanda ng ating pagpaparangal sa kanya, ang pagpuputong ng korona ay regalo hindi lamang sa atin kundi regalo ng ating diyosesis sa Pilipinas at sa buong inang simbahan. Ito ang ating regalo tanda ng pagkilala sa kaluwalhatian ng Diyos,” ani Bishop Santos.

Sinabi ni Bishop Santos na sa pamamagitan ng canonical coronation ay higit nawang lumalim ang debosyon ng mananampalataya sa Mahal na Ina at higit na maakay tungo sa daan ni Hesus at lumalim ang pananampalataya sa Panginoon.

“Ito ang ating regalo sa ating kapwa, sa ating mga kasamahan, at higit sa lahat ito ang ating pag-akay sa isa’t isa, ng ating sarili tungo sa kabanalan,” ayon pa sa obispo.

Inaanyayahan ni Bishop Santos ang mananampalataya na makiisa sa pontifical coronation sa Nuestra Señora de Fatima de Marikina sa ritong pangungunahan ng obispo ganap na alas nuwebe ng umaga sa Diocesan Shrine and Parish of St. Paul of the Cross sa Marikina City.

Isinapubliko ng Diocese of Antipolo ang pag-apruba ng santo papa sa canonical coronation sa pamamagitan ng liham ng Dicastery for Divine Worship and the Discipline noong February 14.

Ito na ang ikaanim na imaheng ginawaran ng canonical coronation ng diyosesis kasama ang Nuestra Señora Dela Paz y Buenviaje ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa Antipolo; Nuestra Señora de los Desamparados ng Diocesan Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Marikina; Nuestra Señora de Aranzazu ng Diocesan Shrine – Parish of Nuestra Señora de Aranzazu sa San Mateo; Nuestra Señora de la Lumen ng Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of Light sa Cainta, at ang; Nuestra Señora del Santísimo Rosario ng Diocesan Shrine of Our Lady of the Holy Rosary sa Cardona Rizal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 41,428 total views

 41,428 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 69,433 total views

 69,433 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 87,233 total views

 87,233 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 85,436 total views

 85,436 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 194,771 total views

 194,771 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Santo Papa, nanawagan ng pagbangon

 11,265 total views

 11,265 total views Mariing nanawagan ng pagbangon at pag-asa ang Kanyang Kabanalan Leon XIV sa mamamayan ng Angola sa kanyang isinagawang misa sa kanyang pagdalaw sa

Read More »
Scroll to Top