Senado, hinimok ng mga Obispo na patatagin ang pamilyang Pilipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,062 total reads

Umaasa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na maging bukas ang isipan ng mga mambabatas sa pagpapatatag ng pamilyang Pilipino.

Ito ang panawagan ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, Chairperson ng CBCP Commission on Social Action Justice and Peace makaraang pumasa sa mababang kapulungan ang House Bill No. 9349 o Absolute Divorce Act nitong May 22.

Ayon kay Bishop Bagaforo, dapat maunawaan ng mga lider ng bansa ang kahalagahan ng isang matibay na pamilya tungo sa pagkakamit ng maunlad na lipunan.

“Sana mabuksan ang isipan ng mga pinuno ng ating bansa na importante at mahalaga ang sacredness of a family, the family is the very fiber of every society kapag sinira yun bagsak ang ating bansa,” pahayag ni Bishop Bagaforo sa Radio Veritas.

Ayon sa panukala,magsilbing batayan ng diborsyo ang pang-aabusong pisikal; moral pressure na dahilan sa pagpapalit ng relihiyon at political affiliation; tangkang paghimok sa petitioner o sa mga anak sa prostitusyon; pagkalulong sa iba’t ibagn uri ng bisyo, kasarian, at pagkakaroon ng bigamous marriage.

Nanindigan naman si Bontoc Lagawe Bishop Valentin Dimoc, chairperson ng CBCP Commission on Indigenous Peoples na dapat mabigyang karampatang proteksyon ang mga pamilya laban sa anumang uri ng pagkawasak.

Iginiit ni Bishop Dimoc na mga pamilya ang munting simbahan kaya’t mahalagang magbalangkas ng mga polisiya at isulong ang mga batas na magpapatatag sa pamilya sa halip na sirain ang pundasyon nito.

“We have to let civil lawyers and canon lawyers have more dialogue so that they will find ways how to really promote and protect the family, because family is the basic unit of our society, the family is the domestic church, we have to protect our families and not just allow divorce to creep in and destroy families, so let us craft laws that are protective the welfare of families,” ani Bishop Dimoc sa panayam ng himpilan.

Sa ginanap na pagdinig ng kamara 131 na mga mambabatas ang pabor sa pagkakaroon ng diborsyo habang 109 lamang ang tumutol at 20 ang nag-abstain.

Patuloy ang paninindigan ng simbahan sa kasagraduhan ng sakramento ng pag-iisang dibdib at panawagan ang mahigpit na pagpapatupad sa mga batas na tumutugon sa domestic volence na kinasasangkutan ng mga mag-asawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 67,293 total reads

 67,293 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 111,969 total reads

 111,969 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 134,171 total reads

 134,171 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 170,662 total reads

 170,662 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 387,254 total reads

 387,254 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top